Sam Pinto never naisip na magkakapamilya: ‘I was happy being alone, but…’

Sam Pinto never naisip na magkakapamilya: 'I was happy being alone, but...'

PHOTO: Instagram/@sampinto_

NAGBIGAY ng update at nag-open up ang sexy actress-model na si Sam Pinto patungkol sa kanyang buhay bilang isang misis at ina.

Sa YouTube interview with veteran journalist Karen Davila, aminado si Sam na never niyang inasahan na makakatagpo siya ng “forever” at magkakaroon ng sariling pamilya.

“I never thought I will get married ever and have a baby,” sey niya.

Sambit pa niya, “I was happy na being alone and then I met him and then I realized he is the one.”

“You just feel it kasi parang I’ve been through a couple of boys [kahit] outside of showbiz, parang hindi e. Even if I tried, hindi ko ma-imagine sarili ko na papakasalan ko siya. With Anthony, na-imagine ko,” kwento ng aktres.

Baka Bet Mo: Sam Pinto nagkaproblema rin habang nagbubuntis sa 1st baby: I was preeclampsia…

Nang tanungin naman siya kung paano ang relasyon nila ng mister at basketball player na si Anthony Semerad.

“Para kaming best friends, para kaming friends. Lahat pinag-uusapan namin,” wika niya.

Nabanggit din ng aktres na ang number one priority niya ngayon ay ang kanyang asawa at anak.

“He’s my partner in life, and love, and everything. He has to be,” saad ni Sam sa kanyang mister.

Pagdating naman daw sa baby nila na si Mia ay very hands-on siya at parati siyang nandyan para sa anak.

“She loves learning new things, she loves people, so of course what I had to do is enhance all of that. Ang dami naming ginagawa and I am always there in everything that she does,” masayang chika ni Sam.

Nasabi rin ng model-actress na nasa “right time” nang ipagbuntis niya ang first baby nila ni Anthony, lalo na’t naka-hiatus siya noon sa showbiz.

“I was on a break na at that time so parang I feel like it was also the right time to have a baby. It wasn’t really planned, it just happened. Parang it just felt right,” lahad niya.

Inusisa rin siya ni Karen kung bet niya ang pagiging isang ina, ang sagot ni Sam: “I say no, but i think I secretly do.”

“Because it’s hard being a mom, with everything I had to stop so many things. Hindi ko na magawa ‘yung mga dati kong ginagawa, ‘yung mga love ko dati, kasi of course, I have to prioritize her,” chika niya.

Dahil din daw sa kanyang anak at pagkakaroon ng pamilya ay marami ang nagbago sa kanya.

“It’s not just me anymore. I have to think of the baby, the family. My sister always tells me, ‘Nag-iba ka na’…I guess I am more responsible, more loving, more caring,” aniya pa.

Read more...