NAGLULUKSA na naman ang showbiz industry dahil sa pagpanaw ng beteranong komedyante na si Dinky Doo, Jr..
Mismong anak ni Dinky Doo ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa pamamagitan ng Facebook account ng namayapa niyang ama.
Base sa post ng naulilang anak ng komedyante, sumakabilang-buhay ito kaninang 7:20 a.m., July 2, 2024. Wala namang binanggit kung ano ang sanhi ng pagkamatay.
Narito ang kabuuan ng FB post ng anak ni Dinky Doo, “Family, Friends, Brethrens…This is his daughter speaking po. I’m here to inform po na wala na po si daddy.
“7:20 AM of July 2, 2024, he was pronounced dead.
Baka Bet Mo: Trina Legaspi humiling ng dasal para sa mga kapamilya na tinamaan ng COVID-19
“Please, all your prayers to my father and family for him to rest peacefully would be very appreciated.
“Like daddy would say, Salamat po sa Dios sa lahat po ng nangyayari,” sabi pa sa post.
Nauna rito, nag-post din sa Facebook ang kapatid ni Dinky Doo, Jr. na si Artstrong Clarion para ipaalam ang pagpanaw ng veteran comedian.
“Fly High Kuya Dinky Doo Jr.
“May your Soul Spirit have a safe Ascension..
“Kamusta mo kami kay Mami and Erpat at kay utol Al at Mel…
“You lived a full life and we are so proud of you… Rest in Paradise
“Mahal ka naming lahat,” sabi ng kanyang kapatid.
Nakiusap ang pamilya ng komedyante ng privacy habang ipinagluluksa ang pagyao ng kanilang kapamilya. Humiling din sila ng dasal mula sa mga tagasuporta at kasamahan ni Dinky Doo Jr. sa mundo ng showbiz.
Matatandaang taong 2008 nang mapabalita na may diabetes ang komedyante bukod pa sa mga kumplikasyon dahil sa high blood.
Baka Bet Mo: Nanay, kapatid ni Geneva tinamaan din ng COVID; pamilya humiling ng dasal at tulong pinansyal
Nagsimula ang showbiz career ni Dinky Doo noong 1986 sa pelikulang “Inday Inday Sa Balitaw.” Simula noon, halos ang palaging role niya sa mga pelikula ay sidekick ng mga bida.
Ilan pa sa mga pelikulang nagawa niya ay ang mga sumusunod: “Maria Went To Town” (1987), “Rock-a-Bye Baby: Tatlo Ang Daddy Ko” (1988), “Small and Terrible” (1990), “Nandito Ako” (1994), “Bala at Lipstik” (1994), “Sa ‘Yo Lamang” (1995), “Aringkingking: Ang Bodyguard Kong Sexy” (1986), “Buhay Mo’y Buhay Ko Rin” (1997), “Ako’y Ibigin Mo Lalaking Matapang” (1999), at “Lalaban Ako Hanggang Sa Huling Hininga” (1999).
Kasama naman sa mga huling pelikulang nagawa niya ang “Suddenly It’s Magic” (2012), at “The Fighting Chefs” (2013).
Sumabak din sa politika ang komedyante. Taong 2022 nang tumakbo siya bilang konsehal sa District 6 ng Quezon City, pero hindi siya nanalo.