Sweet photo nina Aljur at AJ nilagyan ng ‘kababalaghan’: Ang creepy!

Sweet photo nina Aljur at AJ nilagyan ng 'kababalaghan': Ang creepy!

AJ Raval at Aljur Abrenica

NAKAKALOKA talaga kapag humirit na ang kakulitan at katabaan ng utak ng mga netizens lalo na sa mga paandar at pasabog ng mga celebrities sa social media.

Nitong mga nakaraang araw, naging usap-usapan na naman ang celebrity couple na sina Aljur Abrenica at Vivamax Queen AJ Raval ng mga Marites all over the universe.

Baka Bet Mo: Melai naki-level kina Ivana at Zeinab: Don’t comment, masakit ang katotohanan

Nag-share kasi si AJ ng litrato nila ng kanyang partner sa Instagram kung saan makikita silang nasa motorsiklo at nakatitig sa isa’t isa.


Walang inilagay na caption ang sexy star sa kanyang IG post pero mukhang gusto lang ibandera ng magdyowa na sila pa rin hanggang ngayon at talagang mahal na mahal nila ang isa’t isa.

Maraming nagkomentong netizens tungkol sa relasyon ng dalawa, may mga positibong reaksyon at meron ding kanegahan.

At may mga hindi pa rin maka-get over sa hiwalayan ng estranged couple na sina Aljur at Kylie Padilla na maligaya na rin ngayon sa bago niyang boyfriend.

“Sorry de kayo bagay.”

“Bakit si aljur pa?”

Baka Bet Mo: Xian Gaza binatikos sa ginawang proposal dinner date kay Blackpink Jennie

“In 3 2 1, magagalit na naman ang mga pala desisyon sa buhay ng ibang tao dito. ”

“Dami nyong basher, di ba kayo masaya sa buhay nyo?”


Yan ang ilan sa nabasa naming comments sa post ni AJ.

Pero ang nakakaloka, mas marami ang nakapansin sa itim na kotseng nasa likuran nina AJ at Aljur na parang may mga matang nakatingin sila mula sa driver’s seat.

Kung titingnang mabuti ay tila may ulo nga sa loob ng sasakyan na nagmamasid sa magdyowa habang nagpapa-picture. Hirit nga ng mga netizens, may “third party” daw sa photo ng couple.

Narito ang ilang comments mula sa mga netizens na-curious sa taong “nagmamatyag” kina Aljur at AJ.

“Sino yung nasa sedan?”

“Yun ang napansin hindi sila aljur at aj lol.”

“Ang creepy sa likod sa may sasakyan ?? May tao po ba??”

“Mga may 3rd eye lang pwede makakita.”

“Parang may someone doon sa kotse sa likod.”

“Hala may third party kayo sa pic.”

Read more...