JM nasa cloud 9 pa rin sa YES ni Donnalyn: I love you baby, palagi!

JM nasa cloud 9 pa rin sa YES ni Donnalyn: I love you baby, palagi!

Donnalyn Bartolome at JM de Guzman

SIGURADONG nasa cloud 9 pa rin ang Kapamilya star na si JM de Guzman nang sa wakas ay makuha na nito ang pinakaaasam na “YES” ni Donnalyn Bartolome.

Sinagot na nga finally ng sexy singer at content creator si JM matapos ang mahaba-habang panahong panliligaw sa kanya ng aktor.

Sa pamamagitan ng kanyang social media accounts, ibinandera ni JM ang kanilang sweet photos ni Donnalyn na pinusuan naman ng kanilang mga tagasuporta.

Ipinakita rin ni JM sa kanyang Instagram post ang promise ring na ibinigay niya sa kanyang girlfriend. Proud na proud namang ipinakita ni Donnalyn ang suot niyang singsing.


In fairness, ang bongga ng promise ring na ibinigay ni JM sa actress-singer dahil bukod sa cross na nakalagay dito ay kumikinang din ang diamond sa singsing.

Tinag pa ng Kapamilya star si Donnalyn sa kanyang IG post at nilagyan ng caption na, “I love you baby, palagi.”

Sa isang Facebook post, inamin ni Donnalyn na akala niya ay magiging magkaibigan lang sila ni JM. Matagal-tagal din nanligaw sa kanya ang aktor, pero mukhang sila talaga ang nakatadhana sa isa’t isa.

“It was a year and five months later from when he first tried to woo me. It was all after asking him to explore other hearts— to just find another heart who’s not mine.

“But he proved to me that he’s found the heart that made him blind to all other hearts…a blessing it was, that it belonged to me,” ang sabi ni Donnalyn sa kanyang FB post, kalakip ang ilang pictures nila ni JM na naka-costume.


Inamin din ng dalaga na last year pa niya ipinakilala si JM sa kanyang mga magulang na nasa Japan, “So we flew to the land of the rising sun to ask for my parents’ acceptance.. that’s why it took so long for us to share..that on June 22nd 2023.

“His determination caused him to persist…until one day I just could no longer resist.

“He awakened the love I didn’t know I still had to give to someone again ever, and even though I no longer believe in forever…I believe in Now.

“Spell it backwards and that’s what he has done, the match to capture my heart, I declare out loud: Juan Miguel won,” sey pa ni Donnalyn.

Read more...