IPINAGLULUKSA ngayon ng TV host-actress na si Anne Curtis ang pagkamatay ng alagang pusa na si Mogwai.
Pumanaw si Mogwai nitong nagdaang June 30, ayon kay Anne, pero wala siyang nabanggit ng rason o detalye hinggil sa pagkamatay ng pusa.
Ayon sa Kapamilya star, mahigit isang dekada niyang nakasama sa lungkot at ligaya ang kanyang alagang pusa kaya talagang mami-miss daw niya ito.
Baka Bet Mo: Chie Filomeno ipinagluluksa ang pagkamatay ni Matty: Wala nang mangungulit at uutusan akong kunin yung bola niya…
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Anne ng mga litrato nila ni Mogwai at ilang bonding moments nila together kalakip ang mensahe para sa yumaong alaga.
“On a rainy Sunday afternoon, after almost 11 years of being part of our family, our dearest Mogwai has crossed over the rainbow bridge,” bahagi ng post ni Anne.
Dagdag pa niya, “He will always be my little gremlin munchkin. Sweet dreams old man. We are going to miss him.”
Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay mula sa kanyang mga supporters at kaibigan sa showbiz. Knows daw nila kung gaano kamahal ni Anne ang alagang pusa base na rin sa mga ipino-post niya sa social media.
“Rest well, Mogwai. hugs, Anne,” pakikiramay ni Jessy Mendiola.
Baka Bet Mo: Janine Gutierrez nagluluksa sa pagpanaw ng alagang aso: Thank you for the 12 and a half years of being the best girl!
“Awwww. Mogwai (broken heart emoji),” mensahe ni Kim Atienza.
“So sorry your loss, Anne. Mogwai was your baby and we know how much you love him. He got his halo today,” komento ng isang IG user.
Sabi naman ng isang IG follower ni Anne, “He just waited for you and your family @annecurtissmith, rest well Mogwai.”
Samantala, abangers na ang fans ni Anne sa comeback series niya sa ABS-CBN, ang Philippine adaptation ng hit K-drama na “It’s Okay to Not Be Okay.”
Sey ng aktres, “It’s Okay to Not be Okay has been a favorite of mine since I first watched it. I instantly fell in love with the characters and its way of educating and raising awareness on different mental health issues.
“The storytelling was portrayed so beautifully and is the very reason why I could not say no when it was offered to me,” chika ni Anne sa isang panayam.