MARAMING K-Drama lovers ang tuwang-tuwa at kinilig sa nakaraang event ng Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) na “OST Symphony: K-drama in Concert” featuring the Philippine Philharmonic Orchestra.”
Naganap ‘yan noong Sabado, June 29, sa Metropolitan Theater sa Maynila.
Para sa kaalaman ng marami, ito ang kauna-unahan sa ating bansa na inorganisa mismo ng KCC in collaboration with the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Cultural Center of the Philippines (CCP) bilang parte ng pagdiriwang para sa ika-75th years of friendship sa pagitan ng Korea at Pilipinas.
Libre lang ang concert kung saan itinampok ng leading orchestra ng bansa na Philippine Philharmonic Orchestra (PPO) ang ilang kanta mula sa mga Korean Dramas na sumikat at naging hit dito sa ating Pilipinas!
Kabilang na riyan ang mula sa mga seryeng “My Love from the Star,” “Crash Landing on You,” “The World of the Married,” “Squid Game,” Start Up,” “Itaewon Class,” at marami pang iba.
Baka Bet Mo: WATCH, NOW NA: Ancient Korean paintings binuhay sa digital art exhibit ng KCC
Isa ang BANDERA sa mga naimbitahan sa event at ang swerte namin dahil nagkaroon ng surprise performances ang ilang sikat na music artists kasama ang PPO!
Matapos ang unang batch ng ilang medley mula sa hit at viral K-Dramas, unang nag-peform sa entablado si Zephanie Dimaranan.
Kinanta niya ang “Nagbago ang Daigdig” mula sa Filipino drama na “My Guardian Alien” na pinagbidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.
Sumunod naman agad sa kanya si Julie Anne San Jose na tinanghal ang sariling English version niya ng “You Are My Everything” na tampok sa Filipino adaptation na “Descendants of the Sun” na pinagtambalan nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.
At ang huli, nag ala-concert ang sikat na South Korean singer-songwriter na si Gaho.
Lalo niyang pinasigla ang show sa mga kantang “Yellow Light” ng seryeng King The Land, “Running” ng Startup at “Start” ng Itaewon Class.
Wait, there’s more! Hindi pa matatapos diyan ang free events ng KCC dahil marami pa silang inihanda para sa Pinoy fans!
Narito ang ilan sa mga pwede ninyong puntahan at i-enjoy:
K-Comics World Tour
Saksihan ang umuusbong na mundo ng Korean webtoons sa “K-Comics World Tour” na kasalukuyan nang ginaganap sa Groundspace Gallery, The M sa BGC.
Nagsimula ‘yan noong June 21 at nakatakdang matapos ng August 10.
Ito ay hosted by the Ministry of Culture, Sports and Tourism (MCST) at ng Korea Creative Content Agency (KOCCA).
Sa event na ‘yan malalaman kung paano nahubog ng webtoons ang Korean entertainment industry, kung saan sumikat ang K-drama adaptations katulad ng “What’s Wrong with Secretary Kim” at “Red Sleeve.”
Everyone’s KPOP: Manila
Mangyayari naman ngayong Hulyo ang annual K-Pop Cover Dance Festival na “Everyone’s KPOP: Manila.”
Sa July 6 na ‘yan sa Mega Fashion Hall ng SM Megamall.
Kaabang-abang ang papremyo diyan na trip to Korea, pati na rin ang ilang fan club booths, stage games, at surprise performances!
Para sa iba pang impormasyon at updates, i-follow na ang social media pages ng KCC.