Vice Ganda nakaganti na kay Arnold Clavio, inokray sa Showtime | Bandera

Vice Ganda nakaganti na kay Arnold Clavio, inokray sa Showtime

Ervin Santiago - November 08, 2013 - 03:00 AM

VICE GANDA AT ARNOLD CLAVIO

NAKAGANTI na raw si Vice Ganda sa mga pang-ookray sa kanya ng news anchor ng GMS na si Arnold Clavio noong kasagsagan ng issue sa kanila ni Jessica Soho.

E, kasi nga sinamantala ni Vice ang pagkakataon sa noontime show nilang It’s Showtime para asarin si Arnold, kahit na wala siyang binanggit na pangalan sa isang segment ng programa, obvious namang si Igan ang pinatatamaan niya.

Ito ‘yung nag-trending sa mga social media kamakailan tungkol sa interview ni Igan sa abogado ni Janet Lim Napoles, naging bastos at maangas daw kasi ang news anchor habang kausap ang legal counsel ni Napoles. At dahil dito, talagang nilait-lait at binalahura si Arnold ng mga netizens.

Sa “Sine Mo ‘To!” segment ng Showtime, umeksena si Vice hawak ang kanyang cellphone na may kausap kunwari sa kabilang linya, “Hello…attorney. Sino ho ba talaga ang may-ari ng sasakyan? Ah, so hindi ho kayo? So, sino nga ho…pangsira ka ng araw, e…!”

Talagang tawanan at tilian ang audience. Sa pagpapatuloy ng segment, chika ni Vice, “Tatawa-tawa ka pa, e. Sino nga…so sino nga ang dapat kong kausapin? Sige na ho, sige na ho, wala akong nakuha sa inyo, sige na…!”

Samantala, inamin naman ni Igan na nagkamali siya kasabay ng pagsasabing lumampas siya sa kanyang limitasyon bilang isang mamamahayag. Nag-sorry siya sa lahat ng mga na-offend.

Ayon kay Igan, “Ang tanging intensiyon ko po lamang, tulad po ninyo, ay makakuha ng impormasyon mula kay Atty. Alfredo Villamor, patungkol po sa pagpunta ni Ms. Janet Lim-Napoles sa Senado.

“Sa ngayon, siya (Atty. Villamor) lang po ang kilala naming natitirang abugado ni Napoles, kaya siya lamang po ang kinausap namin… na umaasa na makakuha ng impormasyon tungkol sa nasabing Senate hearing.

“Sa sidhi kong malaman ninyo ang balita, inaamin ko po na lumampas ako sa aking limitasyon, at humihingi ako ng unawa kung may nasabi man ako na wala sa lugar. Maraming salamat po,” ang naging pahayag ni Igan sa Unang Hirit kahapon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending