Korean star Kim Ji Soo mapapalaban kina Ruru at Yassi sa ‘Black Rider’

Korean star Kim Ji Soo mapapalaban kina Ruru at Yassi sa 'Black Rider'

Ruru Madrid, Yassi Pressman at Kim Ji Soo

ABANGERS na ang mga Pinoy fans ng South Korean actor na si Kim Ji Soo sa mga gagawin nitong pasabog sa Kapuso primetime series na “Black Rider.”

Ngayon pa lang ay atat na atat nang mapanood ng mga Kapuso viewers ang mga maaaksyon at buwis-buhay na fight scenes ni Ji Soo kasama ang lead stars ng serye na sina Ruru Madrid at Yassi Pressman.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Kim Ji Soo ay isa sa mga sikat na aktor sa South Korea na bumida na sa ilang hit K-drama series and movies.

Baka Bet Mo: Ina ni Lee Ji Han may ‘nakakawasak’ na sulat para sa anak na namatay sa Itaewon Halloween party

Kabilang sa mga nagawa niyang serye ay ang “Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo” (2016), “Strong Girl Bong Soon”, “Bad Guys 2” (2017), at “My First First Love” (2019).


Sa teaser photo at video pa lang na inilabas ng GMA Public Affairs last Friday, June 28, ay kinilig at na-excite na ang mga manonood kilalang K-drama actor sa buhay ng mga bidang sina Elias (Ruru Madrid) at Bane (Yassi Pressman).

Baka Bet Mo: Korean comedienne Lee Ji Soo pumanaw sa edad na 30

Ang nakalagay sa caption ng kanilang post ay, “KIM JI SOO SA ‘BLACK RIDER.’

“Ang umaatikabong aksyon, itotodo na sa pagdating ng South Korean actor na si Kim Ji Soo!


“Kilalanin ang kanyang karakter sa primetime action-serye ng masa na #BlackRider!”

Ngayong gabi, July 1, inaasahan ang paglabas ng karakter ni Kim Ji Soo sa “Black Rider” at base sa napanood naming trailer ng serye, siya ang magte-train kay Bane (Yassi) sa paghawak at pagpapaputok ng baril bilang preparasyon sa susuungin nitong laban.

Matatandaang bago pa ipakilala ng GMA ang South Korean actor bilang latest addition sa cast ng “Black Rider” ay nagpatikim na si Yassi tungkol dito.

“Ang trainer po ni Bane ay napakapamilyar po sa maraming mga Pilipino, lalung-lalo na po sa mga nanonood ng K-drama.

“Very, very exciting po. Ang set po namin, nagkakagulo every time na may mga ganoon po kaming eksena. We’re very, very excited to see if you guys would love this character,” kuwento ng aktres.

Read more...