Panukala ni Sen. Bong para sa free college entrance exam batas na

Panukala ni Sen. Bong para sa free college entrance exam batas na

Bong Revilla

BATAS na ang panukalang isinulong ni Sen. Bong Revilla, Jr. na naglalayong gawing libre ang college entrance examination sa mga pribadong higher educational institutions (HEIs) ang mga kuwalipikadong estudyante.

Ito ay naging ganap na batas matapos mag-“lapse into law” ang nasabing panukala.

Ang Republic Act No. 12006 o tinatawag din “Free College Entrance Examination Act” ay naglalayong pagaanin ang pagkakataon para maabot ang quality tertiary education ng mga kapuspalad ngunit matatalinong mga magaaral at hindi na sila sisingilin sa entrance examination fees at charges para sa college admission.

“Malugod ko pong ibinabalita na isa na naman sa ating mga panukala para sa kapakanan ng mga mag-aaral at para sa sektor ng edukasyon ay ganap nang naging batas.

Baka Bet Mo: Ian Veneracion agaw-eksena sa beach wedding ni Cathy Garcia, nag-paragliding papuntang venue: ‘Pa-Tom Cruise ang grand entrance!’

Ang “Free College Entrance Examination Act” na tayo ang pangunahing may-akda ay mapapakinabangan na ng ating mga estudyante.

Sa pakikipagtulungan niyo ay pinagsumikapan po natin na maipasa ito bilang regalo sa ating mga kapos ngunit masisipag at matatalino na mag-aaral. Gaya ng lagi kong sinasabi, basta para sa edukasyon ng ating kabataan, ipaglalaban natin ‘yan,” paliwanag ng senador.

Sa ilalim ng naturang batas, lahat ng private HEIs ay inaatasang huwag nang singilin ng naturang fees at charges na ipinatutuppad sa grauates at graduating student na nag-aaplay para sa college admission basta’t kuwalipikado lamang.

Upang mapakinabangan ang naturang batas—dapat ay natural-born Filipino citizen; mula sa top 10% ng graduating class; mula sa pamilya na kahit pagsama-samahin ang kita ay hindi angat sa poverty threshold o walang kakayahang tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan; mag-aplay sa college entrance examination ng pribadong HEI sa bansa; at tiyaking kumpleto ang iba pang  requirements ng mga pribadong HEI.


“Hangad ko po na marami ang makinabang at matulungan nitong bagong batas na ito. Hindi na poproblemahin ng ating mga kapos ngunit matatalinong mga estudyante ang pambayad sa entrance exam sa kolehiyo.

Baka Bet Mo: Bong ibinandera ang pagdoble sa teaching allowance ng mga guro, P10k na

“Hindi na hadlang ang kakapusan para unti-unti nilang maabot ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng edukasyon. Nais ko rin pasalamatan ang ating mahusay na Senate President Sen. Chiz Escudero na naging kasangga natin sa pagsulong nitong batas na ito.

Siya po, bilang chairperson noon ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education ang kakampi natin sa laban para maipasa ang makabuluhang batas gaya nito,” dagdag pa ni Sen. Bong.

Noong March 2024, ang “Anti ‘No Permit, No Exam Policy Act'” (RA 11984) na si Revilla din ang may akda ay isa na ring ganap na batas. Layon din nito na itaas ang kapakanan ng mga estudyante na hindi makakuha ng eksaminasyon dahil lamang sa walang permit at ipinatutupad ito sa pampubliko o pribado mang educational institutions.

“Marami pa tayong isinusulong at isusulong na mga panukala para sa kabataan, mga mag-aaral, at para sa buong sektor ng edukasyon.

“Hindi dito natatapos ang laban. Buong puso at lakas nating i-aangat ang antas ng bawat isang estudyanteng Pilipino,” ani Sen. Bong.

Read more...