Carla sa estado ng ‘divorce’ nila ni Tom: ‘Recognized na po ng local court’

Carla sa estado ng ‘divorce’ nila ni Tom: ‘Recognized na po ng local court’

PHOTO: Instagram/@carlaangeline

NA-GRANT na ng local court ang divorce ng dating mag-asawa na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

‘Yan ang latest update ng aktres matapos tanungin ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programa na “Fast Talk.”

“We are divorced, recognized na po ‘yan ng korte, ng local court po natin dito,” sagot ni Carla.

Sey pa niya, “We haven’t spoken since, hindi pa po kami nagkikita or nag-uusap.”

Nag-follow up question si Tito Boy kung may girlfriend na ba si Tom.

Baka Bet Mo: Carla Abellana: ‘Yung love naman ay hindi nagdi-disappear o hindi nababawasan nang kusa…

“I have no idea. According to [news], yes nagde-date na po. Wala po akong updates or anything [because] we don’t communicate anymore,” tugon sa kanya ng Kapuso Primetime Goddess.

Gayunpaman, tiniyak ni Carla na masaya siya ngayon sa buhay.

“It was a difficult journey to get to this point, but yes. Definitely, confident po ako na sabihin na I am happy,” wika niya.

Dagdag pa niya, “I surrendered to God and by God’s grace nadala niya po ako dito.”

Bilang tuluyan na ngang naka-move on ang aktres, ang tanong, handa na ba siyang umibig muli?

Sambit ni Carla, “Hindi ko po masyadong iniisip especially with the amount of work that we have and the very little time that we have for ourselves to rest, to recover, for personal matters.”

“Hindi po siya priority,” giit niya.

Pero nilinaw niya na hindi niya isinasara ang kanyang puso.

“Ayokong i-close po ‘yung sarili ko. I don’t want to be too bitter or too angry at the world. Ayoko din naman pong maging open. Ayokong hanapin or habulin. Whatever comes na lang po along the way, we’ll see kung where it will take me,” lahad ng batikang aktres.

Nang hingan naman siya ng mensahe para sa kanyang future partner.

Ang wika ni Carla, “Siguro ‘see you soon,’ naks! ‘I hope to meet you soon.’ Nagmadali, kakasabi ko lang na ‘di ko hinahanap eh’.”

“I guess, siguro, I can’t wait to see how our paths will cross,” ani pa niya.

Kung matatandaan, ikinasal sina Carla at Tom noong 2021 makalipas ang pitong taong magdyowa.

Taong 2022 naman nang inanunsyo ng aktor na divorced na sila ng aktres.

Bilang American citizen si Tom, nag-file siya ng diborsyo sa United States.

Read more...