Bardagulan nina Charo at Mercedes sa ‘Batang Quiapo’ pak na pak: Intense!

Bardagulan nina Charo at Mercedes sa 'Batang Quiapo' pak na pak: Intense!

PANIBAGONG all-time high record ang naitala ng “FPJ’s Batang Quiapo” matapos umabot sa higit kalahating milyon o 502,556 views sa Kapamilya Online Live ng komprontasyon nina Tindeng at Lena (Charo Santos at Mercedes Cabral) sa episode noong Miyerkules (Hunyo 26).

Patok na patok sa netizens at trending sa social media ang pinaka-inaabangang pagtatapat nina Tindeng at Lena kung saan kaliwa’t kanan na sampal ang inabot ni Lena mula kay Tindeng.

Anila, “deserve na deserve” ni Lena ang nangyari sa kanya lalo na’t reyna ang tingin niya sa sarili niya kahit kabit lang naman siya ni Rigor (John Estrada).

Sa social media, kalat na ang iba’t ibang videos at posts ng mga nakakaaliw na reaksyon ng netizens sa pasabog na eksena.

“Speechless, grabeeee one of the most intense confrontation ever. Ms Charo you are timeless, and such an inspiring actor that everyone could look up to! Kudos to Lena, apakagaling din,” komento ng netizen na si @justinemoreno9146 sa YouTube.

Baka Bet Mo: Charo Santos lang SAKALAM: Buti pa siya natagpuan si Eva Darren sa FAMAS

“Sobrang satisfying ng ilang araw na paghihintay sa epic na sabunutan at sampalan ni Lena at Tindeng, lalo na yung limitless na sampal ni Mam Charo kay Mercedes at pagkaladkad habang sinasabunutan!” post naman ni @Carlosmiguel652 sa X.

Sa pagpapatuloy ng kwento ng “FPJ’s Batang Quiapo,” muling magkakagulo sa bahay ni Rigor kapag nalaman na nilang lahat ang nangyaring pang-eeskandalo sa pagitan nina Tindeng at Lena.

Samantala, iba naman ang pagkakaabalahan ni Tanggol (Coco Martin) dahil nangako siya kay Bubbles (Ivana Alawi) na gagantihan niya si Pablo (Elijah Canlas) matapos itong bastusin ang dalaga.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa iba’t ibang platforms.

* * *

“In recent weeks I have been turning down offers to promote Chinese branded cars because of the conflict in our seas,” ang post ni Angie Mead King, ang transgender na asawa ng modelo at dating VJ na si Joey Mead.

Dagdag pa niya, “Chinese EV cars are cheaper because China subsidies them.  The conflict in our seas is a sign of disrespect.

“Why do we want to support a country that is intentionally bullying us? The recent encounter in the West Philippines sea was an act of aggression.

“I know we don’t stand a chance against China and we don’t want to call the United States to use the joint mutual agreement. So what can we do at the very minimum stop buying goods that are made in China at least that way we can affect them through GDP.

“Chinese EV cars are subsidized by the government hence they are more affordable than competing brands which is unfair.

“Personally, EVs won’t save us from climate change but they are great for city use. I still prefer petrol engines and choose to offset my carbon via bamboo farming and eating a plant based diet,” pahayag ni Angie.

May karapatang magbigay ng kanyang opinyon si Angie Mead King dahil ang kanyang negosyo ay Classic Speed Inc, Gi Automotive, Car Porn Racing at mahilig bumiyahe sa iba’t ibang bansa.

Ipinaalam din nito na may dugo siyang Chinese at walang kinalaman ito sa pagtanggi niya para suportahan ang produkto nila kundi tungkol na ito sa bansag kung saan siya lumaki.

“I am not discriminating against Chinese nationals. I am 1/4th Chinese. Only the government for inciting harm to our Philippine servicemen and women,” sabi pa niya.

Maraming netizens at followers ni Angie Mead King ang sang-ayon sa post niya na umabot sa 1,257 comments at nasa 21,700 naman ang nag-heart.

Ani @malusaka_k_k, “I’m reading the labels of all products I buy and put the once from China back on the shelves. I will not put my hard earned money into the pockets of a regime which is murdering innocent people and threatens the piece in our region of the world.”

Say ni @travelingpants2024, “The sad reality is… The whole world is nearly Made in China. The iPhones we use are Made in China. Pretty much most of the Car and Motorcycle and HOME Appliances parts ARE Made in China. As much as it is noble to ditch China-made products, it just isn’t completely feasible without coming out as a Hypocrite. No harm or sarcasm intended here.”

Read more...