Rhian, Glaiza muling magtatambal, magpapakilig sa GL movie

Rhian, Glaiza muling magtatambal, magpapakilig sa GL movie

Rhian Ramos, Glaiza De Castro

MARAMING fans na ang excited at kinikilig sa upcoming project ng Kapuso actresses na sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro!

Magkakasama kasi sila sa first-ever GL (girl love) movie makalipas ang halos isang dekada bilang lovers sa series na “The Rich Man’s Daughter.”

Kinumpirma ito ng Wide International Film Productions sa isang Facebook post matapos tuksuhin ang dalawang aktres sa naganap na FreenBecky’s fan meeting tungkol sa gagawing pelikula together.

“Rhian Ramos and Glaiza De Castro to have their first-ever movie together under Wide International. It’s now official!” saad sa caption ng post.

Dagdag pa, “The two actresses were teased by the fans at the Big Dome during Aromagicare’s FreenBecky Fanmeeting, and both said ‘yes’ when asked if willing to do a movie together.”

Baka Bet Mo: Nadine Lustre sa paggawa ng GL movie with Maris Racal: ‘Ako, game ako!’

Ibinandera at shinare din ‘yan ng producer na si Dennis Evangelista sa kanyang FB account at ibinunyag na ang mag-didirek nito ay ang filmmaker na si Sigrid Andrea P. Bernardo na kilala sa mga pelikulang “Kita Kita” at “Under Parallel Skies.”

“Habol sa LGBT Pride Month. Cooking up a film project starring Rhian Ramos and Glaiza De Castro [under] the direction of Sigrid Andrea P. Bernardo under Wide International Film Productions, powered by aromagicare_official. Abangan!!!” wika ni Dennis sa FB.

Kung maaalala noong 2015 nang unang bumida sa isang lesbian-themed series sina Rhian at Glaiza.

During that time, nagkaroon sila ng loyal fans at matagal-tagal din bago natupad ang hiling nila na magkaroon muli ng proyekto ang dalawa together.

Dahil sa exciting news, maraming fans ang nagpahayag ng kanilang excitement para sa movie ng dalawang Kapuso actresses.

Narito ang ilan sa mga nakita namin:

“In another universe, same sex marriage is legal in the Philippines! ICYMI: Mothers of PH GL series Rhian Ramos and Glaiza De Castro are set to star in their first movie together under Wide International!”

“Naalala ko dati patago ko lang na pinapanood ang the rich man’s daughter (skl hahahaha) ang cute after how many years, movie naman ang meron sila. Ang daming surprises this month nakakatuwa.”

“Ang tagal naming hinintay yan [red heart emoji] MY TEEN SELF IS SO HAPPYYY”

Read more...