MATINDING pressure ang nararamdaman ng Kapuso star na si David Licauco sa ibinigay sa kanyang titulo bilang “Pambansang Ginoo.”
Sa katunayan, nagtataka nga raw siya noon kung bakit tinawag siyang Pambansang Ginoo habang ginagawa nila ni Barbie Forteza ang hit Kapuso series na “Maria Clara at Ibarra.”
Baka Bet Mo: David grabe ma-in love, natulog sa public toilet ng Korea para sa girl
Hanggang sa maipaliwanag na nga sa kanya ng mga kasamahan niya sa naturang programa pati na ng kanyang mga fans kung ano ang ibig sabihin ng bansag sa kanya.
Sey ni David sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda”, “Hindi ko rin alam ba’t ako tinawag na Pambansang Ginoo.
“But, of course, since ‘yun na nga ‘yung tawag sa ‘kin, kailangan ko ipakita na, alam mo ‘yun, maging good example sa mga tao,” aniya pa.
Natanong din ang ka-loveteam ni Barbie kung paano siya ma-in love noong bata-bata pa siya, “When I was younger, as long as maganda, chinita, at saka masaya kausap…
Baka Bet Mo: ‘Buko’ ni David Licauco pinagtripan ng mga beki, topless photo sa beach viral na
“So, parang kapag masaya kausap, minsan parang feeling mo in love ka na, e. Kapag bata ka pa, di ba? Feeling ko, dapat swak lang kayo palagi. If it’s hard, goodbye, kapag bata ka,” sabi pa ni David.
Pero ngayon, ibang-iba na raw ang pananaw ng Kapuso heartthrob pagdating sa usaping love.
“I think you have to empathize with your partner and for sure marami kasing problema along the way.
“Kailangan mo lumaban, kailangan mo intindihin kung saan nanggagaling yung partner mo,” sabi pa niya.
“So now talaga, mas naging ano ako eh, siguro understanding. Kailangan na noon,” aniya pa.
Sa “Fast Talk” segment, pinapili naman si David between “single” and “taken” — matagal bago sumagot ang aktor ng “taken.”