Annabelle botong-boto kay Herbert para kay Ruffa: ‘Magpapakasal ka na?’

Annabelle botong-boto kay Herbert para kay Ruffa: 'Magpapakasal ka na?'

Herbert Bautista, Ruffa Gutierrez, Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Venice at Lorin Bektas

KAHIT ibinandera na ang relasyon nila ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, naging matipid pa rin si Ruffa Gutierrez sa pagse-share ng mga detalye about their love story.

Feeling ng aktres at celebrity mom, mas okay pa rin kung hindi niya ilalantad lahat sa publiko ang kung anumang meron sa pagitan nila ni Bistek para ma-enjoy pa rin nila ang privacy.

Baka Bet Mo: Ruffa sa height ni Herbert: Half of Filipino men are shorter than me

Pagkatapos nga ng ginawa niyang “relationship reveal” sa vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila, kung saan lantaran na niyang inamin na magdyowa na sila ni Herbert, super iwas uli si Ruffa sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang relasyon.


“For me at my age, I’m turning 50 this year, I’d rather keep things quiet, and I want to focus on my personal life,” pahayag ng aktres sa isang panayam.

Patuloy pa niya, “And I believe that relationship lasts, it’s because it’s private. I don’t really want to talk about it so it’s better that we keep quiet, I don’t want to also hide it because it’s been a long time.”

Nagsimula ang magandang pagtitinginan ng celebrity couple nang magsama sila sa Kapamilya romcom series na “The House Arrest of Us” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla noong 2020.

“Everything’s good. I am enjoying my privacy. Even my mom was like ‘bakit ka nag-aannounce, magpapakasal ka na ba?’” natatawang chika ng aktres.

Baka Bet Mo: Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: A private life is a happy life, what you see is what you get…

Alam naman ng buong universe na sobrang protective si Tita Annabelle sa kanyang mga anak lalo na kay Ruffa kaya naman sanay na sanay na ang aktres sa “pakikialam” ng nanay sa lovelife niya.


“That’s the story of my life, di ba? But I think with my mom now, she thinks I’m old enough siguro naman noh, hindi na siya masyadong nagme-meddle.

“But she’s always gonna be my mom and she’s always gonna be outspoken,” sey ni Ruffa.

“And also I think she likes and she appreciates the person that I am dating now,” sey pa ng girlfriend ni Bistek sa naturang interview.

Kamakailan ay nag-celebrate si Ruffa ng kanyang 50th birthday kasama ang pamilya at si Herbert. Naroon din ang ilan sa malalapit niyang kaibigan sa showbiz tulad nina Karla Estrada, Arlene Muhlach at Sunshine Cruz.

Read more...