Ending ng ‘My Guardian Alien’ ni Marian may pasabog; Regine mapanakit

Ending ng 'My Guardian Alien' ni Marian may pasabog; Regine mapanakit

Marian Rivera at Gabby Concepcion

SIGURADONG ngayon pa lang ay inaatake na ng sepanx o separation anxiety ang Kapuso viewers dahil sa pagtatapos ng “My Guardian Alien” nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

Mula simula hanggang sa nalalapit na ending ng nasabing GMA fantasy-drama series ay patuloy pa rin itong tinatangkilik ng manonood hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba pang bahagi ng mundo.

Mula nang umere ang comeback serye ni Marian noong April 1, ay consistent ang mataas na ratings at positive feedback sa out-of-this-world at inspiring na kuwento nito.

Baka Bet Mo: Marian pinatunayang siya pa rin ang Primetime Queen; Firefly may libro na

Komento ng isang netizen, “Wala akong masabi kundi magagaling silang lahat. Mabilis ang kuwento kasi walang paikot-ikot kaya maganda ang kinalabasan.

“‘Yung mga kontrabida may pinaghuhugutan din hindi ‘yung ang babaw ng reason and alam ko naman na may character development sila,” aniya pa.


“Gusto namin ‘yung ganito sobrang gaan panoorin, hindi nakaka-stress, at pwede sa buong pamilya. Sana may season 2!” comment ng isa pa.

Kaya naman for sure, marami ang makaka-miss sa buong cast lalo na sa nakakakilig na tandem nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at bankable leading man niyang si Gabby Concepcion.

Sa nalalapit na pagtatapos ng “My Guardian Alien,” inaabangan na ng fans kung magkakaroon ba ng happy ending sina Grace (Marian) at Carlos (Gabby).

Mabubuo pa kaya ang kanilang dream family kasama si Doy (Raphael Landicho) kung aalis din naman sa Earth ang kanilang most-loved alien?

Huwag nang bibitiw sa last 4 extraordinary nights ng “My Guardian Alien,” 8:50 p.m. sa GMA Prime.

* * *

Mapanakit na rendisyon ang hatid ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa “Ulit Ulit,” ang official theme song ng inaabangang ABS-CBN family drama na “Pamilya Sagrado.”

Tungkol ang “Ulit Ulit” sa maling pagtitiwala sa isang minamahal. Isinulat at prinodyus ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo.

Baka Bet Mo: Marian ikinumpara si Gabby sa lafang: Walang itulak-kabigin sa kanya!

Samu’t saring papuri agad ang natanggap ng kanta sa YouTube dahil sa matinding emosyon na hatid nito.

Sabi ng isang YouTube viewer, “Hauntingly Beautiful!!!!! Grabe talaga kumanta si Queen Regine! Damang dama mo! Ang gandaaaa ang galing!! Mapanaket!! Nag iisa ka Songbird!!!”


Pinuri naman ng isang online viewer ang vocal layers na tampok sa awitin, “Grabe yung vocal layers. Ang sarap pakinggan. Hindi lang basta nagkukwento si Regine sa kantang ito, talagang sinigurado niyang maipaparating niya rin yung emosyon na nais iparamdam ng kantang ito.”

Tampok din sa awitin ang back-up vocals ng Kapamilya artists na sina Lyka Estrella at Trisha Denise.

Pinangungunahan nina Piolo Pascual, Kyle Echarri at Grae Fernandez, ang “Pamilya Sagrado” ay nagsimula na last Monday, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.

Abangan ang “Ulit Ulit” single ni Regine sa “Pamilya Sagrado.” Available na rin ang awitin sa iba’t ibang music streaming platforms.

Read more...