Andi inialay ang 34th b-day message kay Jaclyn: You’ll always be with me

Andi inialay ang 34th b-day message kay Jaclyn: You'll always be with me

Jaclyn Jose at Andi Eigenmann

MULING inalala ni Andi Eigenmann ang pumanaw na inang si Jaclyn Jose kasabay ng kanyang birthday celebration.

Ngayong araw ang 34th birthday ni Andi at bilang bahagi ng kanyang pagdiriwang, nagbahagi siya ng madamdaming mensahe para sa pinakamamahal niyang nanay.

Nag-post ang aktres ng isang video clip kalakip ang kanyang touching message para kay Jaclyn.

“Everyday, but more today, I remember my mother.

Baka Bet Mo: Matteo sa 34th birthday ni Sarah: Proud husband here! Keep that fire burning!

“As I celebrate my 34th birthday, I honor the person that brought me into this world and gave me this beautiful life,” simulang pagbabahagi ng fiancée ni Philmar Alipayo.

Pagpapatuloy pa niya, “There was no other live like yours, Nanay. I will always cherish this wonderful gift you gave me.


“As you are now amongst the stars, I know that i will always be guided by your shining light. You’ll always be with me Nanay,” aniya pa.

Sa panayam kay Andi ng “Fast Talk with Boy Abunda”, inamin niyang sana raw ay mas naging humble pa siya sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito at hindi raw sapat ang palagi niyang pasasalamat sa lahat ng ginawa ni Jaclyn para sa kanilang pamilya.

“Maraming salamat. Always, always, maraming salamat. I feel like noong nabubuhay ka pa, lalo na ngayong nawala ka na, hindi ko palagi alam kung paano magiging sapat yung pagpapasalamat.

“Kahit minsan, kahit isang beses, hinding-hindi ko naisip na itong buhay na ito, makukuha ko, or hindi ako ito kung hindi dahil sa kanya.

“Napakalaking parte ng pagkatao ko ay dahil sa yo. Dahil sa kung paano mo ako minahal at kung paano mo ako pinalaki, kaya maraming salamat.

Baka Bet Mo: Maggie Wilson hindi mag-isa sa laban, promise ni Tim Connor: We got this!

“The theme of our whole life together, of our whole relationship is always love, love. How great love is.


“Now that you’re gone, that’s the biggest hit in the head that I can ever get for me to realize that how sorry I am.

“That I didn’t make that extra effort to give you the kind of love that you wanted to get from me.

“I just hope, I just wish that mas nagpakumbaba ako, mas madalas ako nagpakumbaba at niyakap na lang kita. I will never stop feeling sorry for that, for my shortcomings as a daughter,” mensahe ni Andi sa ina.

Sa tanong naman ni Tito Boy kung sino siya nang dahil kay Jaclyn, “I am brave and I am strong and I know that I can overcome anything and I can get through anything.

“I can achieve anything that my heart desires because of my mom,” pahayag ni Andi Eigenmann.

Read more...