MAY bagong aabangan ang horror lovers!
Magkakaroon kasi ng bagong horror movie ang Netflix na pagbibidahan nina Beauty Gonzales at Sid Lucero.
Pinamagatan itong “Outside” na mapapanood na sa darating na October 11.
Ang pelikula ay ni-reveal sa katatapos lang na “Netflix APAC Southeast Asia Showcase” na ginanap sa Fairmont Jakarta, kung saan napabilang ang award-winning filmmaker at content director na si Carlo Ledesma sa isang panel kasama ang iba pang mga creative at Netflix content heads mula sa Thailand at Indonesia upang talakayin ang future of storytelling.
Baka Bet Mo: Sid Lucero nanuntok ng lalaking gustong magpa-selfie: His eyeball burst!
Dagdag pa sa synopsis nito: “A violent outbreak forces a family to seek shelter in an abandoned farm house, only to unearth an old secret that becomes a far greater threat.”
Para sa mga hindi aware, ang writer at direktor ng nasabing horror movie na si Carlo ay isang Filipino-Australian filmmaker na nakakuha ng pagkilala para sa thesis feature niya na “The Haircut.”
Naiuwi nito ang “Best Short Film” mula sa Mini Movie Channel Award ng Cannes Film Festival noong 2007.