Ryza Cenon nagpakalbo para sa character role: ‘Ganun ako ka-committed!’

https://www.instagram.com/p/C8gElaYpIGn/?img_index=5

PHOTO: Instagram/@nikogvillegas

PASABOG ang new look at hair transformation ng aktres na si Ryza Cenon!

Lakas-loob kasi siyang nagpakalbo para sa kanyang role sa upcoming movie na “Lilim.”

Sa latest YouTube vlog ng celebrity mom, ibinandera niya ang kanyang pagpapagupit sa salon at iginiit kung gaano siya ka-committed sa kanyang karakter.

“Gagawin na natin ‘yung big decision ko ngayon na magpa-shave ng hair,” saad niya sa video.

Patuloy ni Ryza, “Not just shave, but skinhead talaga! Para sa character naman ito.”

Baka Bet Mo: Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘ingrata’ at ‘insensitive’ ng bashers

“Ganun talaga ako ka-committed na character, so game,” aniya pa.

Nabanggit din ng aktres na dati pa niyang pangarap ang magpakalbo at finally ay magkakaroon na siya ng chance upang gawin ito.

“Pangarap kong magpakalbo. Sinabi ko, ‘pag buntis ako, magpapakalbo ako, but ‘nung buntis ako, hindi ako pinayagan. Ito na ‘yung chance ko,” kwento niya.

Nauna nang inamin ni Ryza sa isang interview with ABS-CBN na nagkusa siyang mag-request sa management na magpakalbo.

“Hindi naman po siya ni-require. Ako po mismo nagsabi na magpapakalbo ako,” sey ng aktres.

Paliwanag pa niya, “For me, kasi mas okay siya doon sa character ko. Tapos nag-test look kami, hindi ko po trip ‘yung prosthetics. Mas makakatulong rin po siya sa character ko.”

Hindi lang si Ryza ang nakagawa ng ganitong klase ng hair transformation para sa kanilang role, magugunitang may mga Hollywood actresses na rin ang nag-shave na rin ng kanilang ulo.

Kabilang na riyan sina Cate Blanchett, Natalie Portman, Demi Moore, Charlize Theron, at marami pang iba.

Read more...