Cindy Miranda may ibinuking tungkol sa magdyowang Xian Lim at Iris Lee

Cindy Miranda may ibinuking tungkol sa magdyowang Xian Lim at Iris Lee

Cindy Miranda, Althea Ruedas, Iris Lee at Xian Lim

IBINUKING ng aktres at dating beauty queen na si Cindy Miranda na nagka-clash din ang magdyowang Xian Lim at Iris Lee pagdating sa trabaho.

Si Cindy ang lead star sa pinakabagong horror movie ng Viva Films at Studio Viva na “Kuman Thong” kasama ang child star na si Althea Ruevas na idinirek ni Xian.

Magkatulong si Xian at ang girlfriend nitong film producer na si Iris sa pagbuo ng script ng “Kuman Thong (Black Magic Baby)”. Pinalitan ni Iris ang original writer ng pelikula nang hindi na ito pumuwede.

Baka Bet Mo: Xian Lim laging kasama ang dyowang si Iris Lee, partner rin sa trabaho

Sa naganap na presscon ng naturang pelikula, natanong si Cindy kung kumustang direktor si Xian, lalo pa’t ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila sa isang proyekto.


“Xian is very nice, sabi ko nga. Alam mo gusto niya nga talaga maging direktor, magaling na direktor, very passionate siya,” sabi pa ng aktres.

Never daw niyang nakita kay Xian ang ilang negatibong isyu na ibinabato sa kanya tulad ng mahirap itong katrabaho at may attitude.

“Hindi ko nakita. Wala akong nakitang bad side ni Direk Xi, lahat good. Inalagaan niya kami sa set,” sabi ni Cindy.

Dagdag pa ng aktres, kahit nga raw may mga nagiging problema sa production kabilang na ang pagpapalit sa script ng ilang eksena sa pelikula ay cool na cool pa rin si Xian.

Baka Bet Mo: Xian walang arteng direktor, pinuri nina Cindy at Althea: He’s very cool!

Sa tanong kung may pagkakataon bang nag-away ang magdyowang Xian at Iris kapag inaayos ang script ng “Kuman Thong” at ibang creative issues, “I wanna be honest, may time na nag-a-argue sila.

“Pero you know, maganda naman ‘yun, ‘di ba? May dalawang ideas tayo kasi minsan, ‘di ba? May kailangan talagang mag-contradict doon sa isa. ‘Di ba, tama, para sa ikakaganda ng movie.

“Pero siyempre minsan lang, kapag nag-a-argue sila sa isang eksena, siyempre kami rin naaapektuhan doon, pero iniisip mo sa ikakaganda ng movie.

“Very, very professional. Nagtulungan po talaga sila,” aniya pa.


Bukod sa pagiging cool at passionate na director, collaborative rin daw si Xian dahil lagi raw itong open sa suggestions at may pagkakataong hinahayaan lang silang gawin kung paano nila aatakihin ang role.

Kinunan ang halos kabuuan ng movie sa Thailand kaya may nakasama rin silang mga Thai actor kabilang na ang BL star na si Max Nattapol.

Showing na sa mga sinehan ang “Kuman Thong” simula sa July 3.

Read more...