PUNUNG-PUNO ng inspirasyon, aral, at pagmamahal para sa kalikasan ang hatid ng “A Thousand Forests”, isan advocacy film tribute para sa yumaong dating Department of Environment and National Resources Secretary Gina Lopez.
Mula sa produksyon ng I.Syoot Multimedia Production in partnership with University of the Philippines Los Baños College of Forestry and Natural Resources, hangad ng pelikula na maipahatid ang mensahe na dapat ay simulan na ang pagkilos ng bawat mamamayan upang pangalagaan ang nag-iisang tahanan na ating ginagalawan.
Iikot ang istorya ng “A Thousand Forests” sa kwento ng limang bata na may kanya-kanyang pinagdaraanan na magsasama-sama sa isang forest camp na magiging daan para mas makilala nila ang kanilang mga sarili.
But wait, there’s more! Hindi lang basta kwentong kalisakasan ang matutunghayan sa pelikula bagkus tatalakayin rin ang kwento ng unti-unting pagtuklas at pagtanggap sa sarili, kwento ng pagmamahal sa pamilya, kwento sa pagkakaroon ng determinasyon upang maabot ang pangarap, at kwento ng pagtayo para sa sarili at paglaban kung ano ang tama.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Dominic Ochoa nanawagan para isalba ang kalikasan
Pagbibidahan nina Santino Juan Santiago, Dennah Bautista, Ramjean Entera, James Mavie Estrella, at Venice Bismonte ang “A Thousand Forests”.
Makakasama rin nila sina Dominic Ochoa, Chai Fonacier, Jeffrey Hidalgo, Cai Cortez, Qhlouey Moreno, Prince España, Butchoy Ubaldo, Rolando Inocencio, Aileen Sahibod, Cath Salazar, at Leslie Lina.
Hindi lang yan, mga ka-Bandera! Paniguradong mae-enjoy n’yo ang panonood dahil isa itong musical film at talagang tagoz sa puso ang mga kantang maririnig n’yo at for sure ay makaka-relate kayo.
Ano pang hinihintay n’yo, manood na ng “A Thousand Forests” na ipalalabas ngayong June 26 sa piling mga sinehan sa bansa.
Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang social media pages ng “A Thousand Forests” sa Facebook, Instagram, TikTok, at X pati na rin sa kanilang website na athousandforests.org.