Sue Ramirez nagluluksa sa pagpanaw ng lola: May bago akong angel…

Sue Ramirez nagluluksa sa pagpanaw ng lola: May bago akong angel...

Sue Ramirez at ang namayapa niyang lola

ANG isa sa taong pinakaimportante sa buhay ng aktres na si Sue Ramirez ay hindi na niya kapiling, ang kanyang lola na kung tawagin niya ay Mama.

Base sa kanyang Instagram stories kaninang hatinggabi kung saan kinunan niya ang urn ng kanyang lola na napapalibutan ng fresh flowers at may caption na, “Mahal na mahal na mahal kita habang buhay.”

Hindi naman nabanggit ni Sue kung saan nakaburol ang kanyang lola na sumakabilang buhay nitong Martes at sana ay masama raw sa panalangin ang kanyang mama.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

“Maybago akong angel na magbabantay at aalalay sakin. My grandmother passed away last Tuesday. Sana maisingit niyo siya sa mga panalangin ninyo,” aniya pa.


Sa mahabang caption ni Sue sa larawang pinost niyang kasama ang Lola Mama niya noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista ay sila ang laging magkasama sa mga auditions, pagpupuyat nito sa taping at iba pa.

Sambit ni Sue ay, “Ilang araw na akong nag-iisip kung anong sasabihin. Wala talagang pumapasok sa isip ko. Kung lubusan niyo akong kilala, alam niyo na isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko ay ang lola ko. Si Mama (heart emoji).

“Hindi kailanman magiging sapat ang mga salita para ipaliwanag kung gaano ko siya kamahal at ang pagpapasalamat ko sa kanya,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Sue binabalik-balikan ang araw nang sumugod sa taping ni Jodi: Grabe! Hindi ko talaga in-imagine na makakatrabaho ko siya!

Dagdag pa ng aktres, “Si Mama ang nag alaga sakin habang lumalaki ako, kasama ko palagi nung nagsisimula palang ako.

“Halos araw araw puyat sa mga taping at trabaho pero kahit kailan hindi ko naringgan na pagod siya o kailanman nagsabi na hindi nya muna ako masasamahan kasi may gagawin siya. Kay Mama ko naramdaman yung feeling na maging #1.


“Mahal na mahal kita, Mama. Salamat sa napaka-selfless na pagmamahal na ibinigay at itinuro mo sa akin. Habang buhay nang may butas ang puso ko dahil sa pagkawala mo. Habang buhay ko mamimiss na asarin ka at kumandong sa’yo. Yung boses mo at ngiti mo.

“The purest form of love that I have ever known. Sobrang swerte ko na naranasan kong mahalin at pahalagahan ng ganito. I will forever keep your memory alive, Ma. Sa isip at sa puso ko hinding hindi ka mawawala,” mensahe pa ng aktres.

Bumuhos naman ng mensahe ng pakikiramay para kay Sue mula sa mga kasamahang personalitad at mga kaibigan sa showbiz.

Sabi ng singer-DJ na si Kayla Rivera, “Lola (sad face emojis) I’m so sorry Sue… your Mama will forever have a special place in mine and my Mom’s heart. We have only the fondest memories with her during our early Star Magic Glee days such a pure, gentle and unconditional love she had for you. Love you always anak, and will be keeping you and your Mama in our prayers.”

Ang supervising producer ni Sue sa pelikulang ginagawa niya ngayon na si Omar Sortijas ay nagkomento rin, “Mahigpit na yakap.”

Sabi ni Star Patroller Gretchen Fullido, “My condolences @sueannadoodles.”

Sabi naman ng aktor na si Rayver Cruz, “Condolence Sue (praying hands emoji).”

Comment ni Dominic Ochoa, “Sorry to hear abt your beloved Mama. My condolences to you and your family @sueannadoodles.”

Pakikiramay ng singer-actress na si Denise Laurel, “Suuuuueee my love prayers n condolences babe.”

Nakikiramay din kami kay Sue at sa buo niyang pamilya.

Read more...