Doug kilig overload kay Chesca: You’re the beauty and I’m the beast

Doug kilig overload kay Chesca: You're the beauty and I'm the beast

Doug Kramer at Chesca Garcia kasama ang kanilang mga anak

PINAKILIG na naman ng mag-asawang Doug Kramer at Chesca Garcia ang madlang pipol dahil sa palitan nila ng sweet message sa social media.

Kung may maituturing talagang LODI pagdating sa “RelationshipGoals“, bet naming bigyan ng award sina Doug at Chesca dahil sa kanilang pagmamahal at pagiging sweet sa isa’t isa.

In fairness, ibinabandera nila sa buong universe kung gaano nila ka-love ang isa’t isa on and off camera. Proud nilang ipinagsisigawan na swerte at naka-jackpot sila pareho sa pagiging mag-asawa.

Baka Bet Mo: Team Kramer muling nagbigay-pugay sa yumaong ina ni Chesca Garcia

Sa isang Instagram post nga ni Chesca ay kilig overload ang mensahe niya para kay Doug kalakip ang mga litrato nila together sa isang swimming pool.


Sey ng dating aktres sa kanyang caption, “Marriage isn’t all about dreams; it’s about putting in the work and choosing love every day.

“Though no marriage is perfect, I enjoy 99.9% of ours. Love you, sweetheart!” mensahe pa ni Chesca sa pinakamamahal na asawa.

Siyempre, patatalbog ba ang dating PBA player sa kaswitan ng kanyang wifey? Nag-post din si Doug ng mga pictures nilang mag-asawa sa Instagram kung saan sinabi niya kung paano sila nagko- complement bilang mister at misis.

Kung hindi kami nagkakamali, kuha ang mga nasabing litrato nang magbakasyon sila sa Siargao Island kasama ang kanilang mga anak.

“I’m the yin to your yang, the calm to your storm, the extra large to your fun-size, I’m the warmth to your chill, you’re the beauty and I’m the beast, I’m the whisper to your shout, I’m the moon and you’re my sun, both illuminating each other in a loving embrace of opposites.

“Opposites truly attack. I mean attract! I love you, baby!” sabi pa ni Doug.

Baka Bet Mo: Doug sa solid na pagsasama nila ni Chesca: Never pang nag-away sa pera, tuloy ang date night, sabay na nagdarasal

Nauna rito, nangako rin si Doug na hinding-hindi siya mawawala sa tabi ng asawa at kahit anong mangyari ay gagawin niya ang lahat para mapaligaya at maproteksyunan si Chesca.

“You’re my wife that I’ve chosen to live with for the rest of my life, so don’t worry about the number, or even the signs of aging.

“I’m just here beside you. I love you and no words will ever be enough to describe that. Happy birthday sweetheart!” pahayag pa ni Doug.


Agad naman itong nireplayan ng dating TV host at aktres, “So sweet!!! I love you, Honey!!! I want you to always be right by my side.

“And, I always want us to do things together. I always like it when we are together!!! I love you always!” dugtong pa ni Chesca.

Ikinasal sina Chesca at Doug noong 2008 at biniyayaan ng tatlong anak, sina Kendra, Scarlett, at Gavin.

Read more...