Xian wala nang paki sa bashers: Even if you say 1+1=5, you’re right!

Xian wala nang paki sa bashers: Even if you say 1+1=5, you're right!

Xian Lim

PANG-ASAR ang bagong post ng Kapuso actor na si Xian Lim sa social media sa gitna ng pambabasag sa kanya ng mga bashers, kabilang na ang ilan fans ni Kim Chiu.

Parang gustong isampal ng actor-director na wala siyang paki sa lahat ng natatanggap niyang batikos mula sa mga haters na ayaw tumigil sa pambabatikos sa kanya kahit na matagal na silang naghiwalay ni Kim.

Nag-post si Xian sa kanyang Instagram Story nitong nagdaang araw ng isang quote mula sa Hollywood superstar na si Keanu Reeves na tila may konek sa pananaw nito sa personal niyang buhay.

Baka Bet Mo: Kim shookt sa ipinakita ni Xian sa ‘Always’: Hala! Ang galing niya, nakaka-in love lalo!

Sabi sa quote ni Keanu Reeves, “I’M AT THAT STAGE IN LIFE WHERE I STAY OUT OF DISCUSSIONS. EVEN IF YOU SAY 1+1=5, YOU’RE RIGHT…HAVE FUN.”


Hindi man nagpaliwanag si Xian about his IG post, knows ng kanyang mga followers na tungkol ito sa pinagdaraanan niya ngayon at sa natatanggap niyang negative comments sa socmed.

Kamakailan ay barag na barag si Xian sa mga komento ng netizens dahil sa pagpapa-interview sa past relationship nila ni Kim habang nananatili lang tahimik ang actress-TV host.

Ang huli nga ay ang pagsasalita ng binata sa “Fast Talk with Boy Abunda” last June 12, kung saan sinabi ni-reveal niyang si Kim ang nag-initiate ng kanilang breakup at hindi siya tulad ng pinaniniwalaan ng marami.

“Ang dami kasing kuwento. Yun nga yung mahirap sa isang public relationship. They’ve been there since day one nung panliligaw pa lang, all the way to more than a decade.

“People come up with all these made up lies kung anuman but we released our statement na we both decided to part ways.

Baka Bet Mo: Xian Gaza ipinagyabang ang P463-M net worth: Para maramdaman ng haters ko kung gaano sila kahirap

“To be completely honest, I wasn’t the one who engaged in the separation. Yun lang po siya. It’s that simple. I wasn’t the one who initiated the breakup.”

Nauna rito, naglabas din si Kim ng saloobin tungkol sa patuloy na pagsasalita ni Xian tungkol sa kanilang hiwalayan.

“Entering 2024, sabi ko talaga, I just want a fresh start, new beginning, and I don’t want to dwell sa past.


“Parang yung post ko nung December, sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire,” pahayag ng dalaga.

Dagdag ni Kimmy, “It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama yung loob ko. Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other.”

Sa ngayon ay mukhang happy na si Xian sa piling ng bago niyang girlfriend, ang film producer na si Iris Lee habang pinaniniwalaang magdyowa na sina Kim at Paulo Avelino.

Read more...