WALONG taon nang magdyowa ang Kapamilya celebrity couple na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte at in fairness, solid na solid pa rin ang kanilang relasyon until now.
Feeling namin, sa kasalan din mauuwi ang kanilang love story, dahil bukod sa eight years na sila ay napag-uusapan na rin talaga nila ang pagbuo ng sariling pamilya.
Palagi ring sinasabi nina Loisa at Ronnie kapag naiinterbyu namin sila na natagpuan na nila sa isa’t isa ang kanilang “forever”.
Baka Bet Mo: Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!
“Kami ni Loisa enjoy kami, focused kami sa trabaho, makapag-ipon at makapag-invest pa. Eight years na kami this year.
“Kung mahal mo yung tao dapat may plano kayo, kung wala, maghiwalay na kayo,” ang pahayag ni Ronnie sa isang interview.
“Siya na talaga, siya na, alam mo iyon,” dugtong pa ng Kapamilya actor.
Tungkol naman sa kanilang eight-year relationship, naniniwala talaga si Ronnie na isa sa pinakamahalagang bahagi ng kanilang pagsasama ay “trust and communication.”
“Tsaka siguro yung pagiging relaxed namin sa isa’t isa. Hinahayaan ko siya, hinahayaan niya ako.
“She goes out with her friends, and she lets me go out with mine. Hindi kami mahigpit sa isa’t isa.
Baka Bet Mo: Promise ni Ronnie: Wala na akong ibang hahanapin pa at wala akong balak pakawalan si Loisa!
“Kaya walang sakalan. Kapag ganoon partner, iba eh. Personal, iba nararamdaman ko. Bihira ka maka-experience,” pagbabahagi pa ni Ronnie.
Wala ring isyu o problema kay Ronnie kung patuloy na itatambal si Loisa sa ibang aktor tulad ng kapwa nila Kapamilya star na si Anthony Jennings.
In fairness, talagang pak na pak sa madlang pipol ang loveteam nina Loisa at Anthony na mas kilala ngayon bilang SnoRene mula sa hit series na “Can’t Buy Me Love” na pinagbidahan nina Belle Mariano and Donny Pangilinan.
“Sinabi ko sa kanya kapag nagselos ka wala kang tiwala. ‘Paano ngayon. Ikaw nasa basketball, ikaw nasa showbiz,’ handa ako makapag-partner siya ng iba.’
“‘May tiwala ako sa ‘yo.’ Bakit siya magseselos? Bakit ako magseselos?” paliwanag ni Ronnie.
Speaking of basketball, handa raw karirin ni Ronnie ang naturang sports na itinuturing niyang first love. Payag din daw niya itong gawing full-time career.
“Wala pa akong ginagawa. Si Star and ABS, wala nakalatag sa akin. Kapag nabigyan ako pagkakataon makilala or sumikat, ita-try ko.
“Kapag nabigyan ako ng magandang pagkakataon. Sa ngayon kung saan tayo kikita,” aniya pa.