Netizens shookt sa P30-M damages na hinihingi ni Bea kina Ogie

Netizens shookt sa P30-M damages na hinihingi ni Bea kina Ogie

GRABE ang netizens dahil hinimay-himay nila ang nilalaman ng counter affidavit na isinumite nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena kaninang umaga sa Quezon City Justice Hall kasama ang abogadong si Atty. Regie Tongol.

Matatandaang kinasuhan ni Bea Alonzo ang tatlong personalidad ng Showbiz Update vlog na napapanood sa YouTube at humihingi siya ng P30 million for damages.

Say ng netizen na si Nizza Gueco nang i-check namin ay nasa ibang bansa siya naka-base, “’Yun ‘yung ikinagagalit niya (Bea), tinurn down ni Marian (Rivera) ‘yung napuntang role sa kanya? Ano ‘yung November 19, 2022? Ma-check nga wait balik ako sa classroom maya muna.”

Tanong naman nina Jane Yu Agapito at Ivy Salvador, “Mama Ogs, ang laki naman ng damages na gusto nya, 30M? P30 M for damages, grabe.”

Baka Bet Mo: Bea Alonzo may bagong boyfriend na raw, ayon kay Ogie Diaz

Narito naman ang mga key point naman ng netizen na si Matt Maequeses Panganiban na nasa ibang bansa rin, “Nag counter charge si Mama Loi kasi dinamay siya ni Bea kahit wala naman daw siyang sinasabi.

“Isa sa nirereklamo ni Bea is ‘yung episode na more than 1 year old na. Di na puwede ‘to kasi dapat within 1 year ka lang mag-file ng reklamo for cyber libel.

“Wala namang ‘reckless disregard for the truth’ kasi ‘yung mga nasabi is bases sa ‘common truthful observation’ ng mga netizens.

“Di naman mapanirang-puri ang sinabing binigay sa kanya ‘yung role na tinurn down ni Marian.  Common naman ‘yun at nangyayari talaga lalo na raw kay Marian na ‘undisputed queen of GMA.’

“As an artista, public interest na ang buhay ni Bea. Therefore, lahat ng posts and statements na sinabi ni Ogie Diaz pasok as ‘fair commentaries on matters of public interest’ na valid defense against libel or slander.

“Onion-skinned daw si Bea and eksaherada daw ‘yung P30M na hinihingi for damages.”

Maraming nag-agree sa key points ni Matt Marqueses Panganiban.

Anyway, sabi ng abogado nina Ogie na si Atty. Regie Tongol ay aabutin ng tatlong buwan bago magdesisyon ang piskalya kapag nakuha na ang mga dokumento ng magkabilang panig.

At kapag hindi ito naresolbahan ay aabutin ng ilang buwan bago malaman ang desisyon ng korte pero dahil may utos si DILG Chief Jesus Crispin Remulla na lahat ng kasong libelo ay open for mediation.

Hindi naman sinagot si Atty. Regie Tongol sa tanong sa kanya ni “TV Patrol” reporter MJ Felipe kung open sila for mediation para matapos na ang kaso.

Hindi rin pinayagan ng abogado na magbigay ng anumang komento sina Ogie, mama Loi at ate Mrena para walang dagdag gulo.

Read more...