Harry Roque pinondohan ang foreign trip ni AR dela Serna

Harry Roque pinondohan ang foreign trip ni AR dela Serna

USAP-USAPAN ngayon ang pagsama at pagpondo ng dating Palace spokesman Harry Roque Jr. kay Mister Supranational Alberto Rodulfo “AR” dela Serna bilang “travel companion” nang bumisita ito sa tatlong European countries noong 2023.

Ito ay matapos makita ang ilang dokumento kaugnay sa naturang foreign trip nang i-raide ang isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga.

Base sa affidavit of support na nakita ng mga otoridad sa nasabing raid, detalyadong nakasaad na magbibigay ng financial support si Roque kay De La Serna sa kanilang trip sa Poland, Ukraine, at Italy mula October 9 hanggang 18, 2023.

“He will accompany me to these countries as an invited resource person to speak on an event on the Peace Process in Ukraine which will be Kiev, Ukraine to [be] held from 13-16 October, 2023,” saad ng dating Palace spokesman sa nasabing dokumento.

Baka Bet Mo: Harry Roque inakusahang sumingit sa pila para makaboto agad, pero umalma: Fake news po yan…

‌Pagpapatuloy ni Atty. Roque, “I need a travel companion since I am diabetic, with coronary stent and suffering from acute spinal stenosis.”

Sinabi rin niya na hindi magiging “financial burden” ang Mister Supranational sa kahit anong bansang kanilang bibisitahin.

“In case of any unforeseen circumstances per emergencies during his time in Europe, I am committed to proviing financial assistance to ensure his well-being,” sabi pa ni Atty. Roque.

Ang mga dokumento ay na-recover ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na may pirma pa ni Roque sa mga naganap na raids sa Porac, Pampanga last week.

Isang appointment paper rin ang nakita kung saan itinalaga si De La Serna bilang executive assistant III na may salary grade 20 (over P54,000) mula January 4 hanggang December 31, 2021.

Si AR dela Setba ay isang male beauty pageant contestant na unang lumaban sa 2015 Misters of Filipinas pageant.

Siya rin ang naging representative ng Pilipinas sa unang Mister Supranational na ginanap sa Poland noong 2016.

Graduate ito sa kursong Science in Business Administration degree muya sa Holy Name University sa Tagbilaran City, Bohol.

Read more...