“MAY HIMALA!” Sigurado kaming yan ang bukambibig ngayon ng veteran broadcaster at news anchor na si Arnold Clavio matapos dumanas ng “hemorrhagic stroke.”
Ibinalita ni Igan na nalampasan na niya ang critical period ng kanyang health condition pero mahaba pa raw ang magiging laban niya para tuluyang gumaling.
“Good news, I am out of danger. Sabi nga ni Doc, ‘no more worries. The worst is over! You’re a lucky man!’ Ang kailangang gawin na lang ay mapababa pa ang aking BP at sugar level,” ang pahayag ng Kapuso TV host sa bago niyang Instagram post.
Baka Bet Mo: Heat stroke nakamamatay: Mga sanhi, sintomas at paano nga ba maiiwasan
Sa unang pagbabahagi ni Igan tungkol sa naranasang stroke, galing daw siya sa isang golf course nang mangyari ang kanyang atake.
“Pauwi na ako galing Eastridge Golf Course. Habang nasa biyahe, nakaramdam ako ng matinding pamamanhid sa kanang braso at binti . Di ko na rin maramdaman ang pag-apak sa pedal ng gas at break.
“Huminto ako sa isang gasoline station para i-check ang sarili ko. Papunta ng restroom, hindi na ako makalakad. Kailangan ko na may mahawakan.
“Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin kung tabingi ba ang mukha ko o maga ang mata ko. Wala naman kaya balik na ako sa sasakyan. At hindi ito naging madali .
Baka Bet Mo: Maritoni Fernandez ibinandera ang pagpapaturok ng Dengvaxia sa Thailand matapos makaranas ng ‘hemorrhagic dengue’
“Sabi ko, titigil ako sa unang ospital na makikita ko. Kaya mula Antipolo, maingat ako na nag-drive sa Sumulong highway hanggang makarating ako sa Emergency Room ng Fatima University Medical Center,” pagbabahagi ni Arnold.
“Doon inasikaso ako at after ilang test , lumitaw na ang blood pressure (BP) ko ay nasa 220 / 120 at ang blood sugar ko ay umabot ng 270.
“Inirekomenda na isailalim ako sa CT Scan. Doon nakita na may ‘slight bleeding’ ako sa kaliwang bahagi ng aking utak . At sa oras na yon , ako ay nagkaroon na ng ‘HEMORRHAGIC STROKE’!” pagpapatuloy ng news anchor.
Kasunod nito, inilipat daw siya sa St. Lukes Hospital at inobserbahan sa ER ng brain attack team, pagkatapos ay dinala na siya sa Acute Stroke Unit.
“ARAL: Feeling ok does not mean your ok … Feeling good does not mean we’re good. Listen to your body.. Traydor ang hypertension ! Always check your BP.
“Thank you Lord. I personally experienced your MIRACLE,” ang pahayag pa ni Igan.
Sa ibinigay niyang update, regular pa ring binabantayan ang kanyang blood pressure (BP) at blood sugar. Nakabantay din ang kanyang neurologist, cardiologist at rehab doctor.
Nagpasalamat din siya na hindi tumabingi ang kanyang mukha o nabulol sa pagsasalita at ang good news pa, hindi na siya kailangang operahan.
Paliwanag ng mga doktor, “His slight bleeding is in the thalamus area (left side) which is responsible for sensation and some muscle control that’s why his right legs and arms had numbness and until now feels weak.
“It’s systemic and warning sign. The bleeding is in the small vessels which is good. If the brain is a tree in the forest the bleeding happened in the grass area… meaning manageable,” sabi pa.
Pahayag pa ni Igan, “Mahaba pa ang laban na ito. Ang laking pagbabago sa buhay ko habang nasa ASU. Bawal pa akong tumayo kaya kailangan ko na mag-adult diaper Di ako komportable kaya inabot pa ng tatlong araw bago ako naka-pupu.
“Para rin akong sanggol na nililinisan at hinihilamusan araw-araw para maging presko ang pakiramdam.
“At may bago pala akong kaibigan – si insulin! Abangan ang pag-graduate ko sa ASU at simula ng aking therapy at rehabilitation. At sana ang aking kuwento ay makapagligtas ng maraming buhay.
“This is the message we have heard from him and declare to you: ‘God is light; in him there is no darkness at all. – 1 John 1:5,'” pagbabahagi pa ni Arnold Clavio.