Zanjoe may pa-tribute kay Ria: Our baby & I are both lucky to have you

Zanjoe may pa-tribute kay Ria: Our baby & I are both lucky to have you

Ria Atayde at Zanjoe Marudo

BINIGYAN ng pa-tribute ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo ang kanyang asawang si Ria Atayde na nagdadalang-tao na ngayon.

Siguradong ngayon pa lang ay super excited na ang aktor na makita at makarga ang first baby nila ni Ria na patuloy ang pag-umbok ng tiyan.

Sa pamamagitan ng Instagram, nagbahagi ng appreciation post si Zanjoe sa kanyang wifey kalakip ang mga black and white sweet photos nila together.

Ang inilagay na caption ng future daddy sa kanyang IG post ay, “Motherhood. Our baby and I are both so lucky to have you.”

Nito lamang nagdaang linggo, June 16, Father’s Day ay ibinandera nga nina Ria at Zanjoe na magiging mommy at daddy na sila ilang buwan makalipas ang kanilang intimate civil wedding.

Sa Instagram, makikita ang ilang masayang pictures ng celebrity couple at proud na ibinabandera ang baby bump ng aktres. Sey pa ng aktres, excited na siya sa panibagong journey nila ng kanyang hubby.


“To the dad you already are and the dad I know you’ll be.

“Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you (white heart emoji).

“Happy first Father’s Day! (sparkle emoji),” aniya pa.

Sa comment section, maraming kapwa-celebrities ang bumuhos ng pagbati sa mag-asawa.

Kabilang na riyan sina Yam Concepcion, Cassy Legaspi, Alex Diaz, Jason Abalos, Rachel Peters, Marlo Mortel, Debs Garcia, Eula Valdez at marami pang iba.

Read more...