HABANG nagdiriwang ng Father’s Day ang pamilyang Pinoy nitong nagdaang Linggo, June 16, ay nagluluksa naman ang veteran actress na si Chanda Romero.
Basag ang puso ngayon ng award-winning actress dahil sa pagpanaw ng kanyang kapatid na si Francis “Tommy” Romero.
Ibinahagi ni Chanda ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang black and white photo ng kanyang pinakamamahal na kapatid.
Ang isinulat niyang caption sa kanyang IG post ay, “Rest in God’s loving arms now, my dear brother.
Baka Bet Mo: Gloria Romero muling nakausap ang dating guro na 100 years old na ngayon: Nakakaiyak naman po…
“You will always be in our hearts. Love you forever,” mensahe pa ni Chanda para sa pumanaw na kapatid.
Wala namang nabanggit ang seasoned actress tungkol sa naging sanhi ng pagkamatay ni Tommy pero nakalagay sa kanyang IG post ang ilang detalye sa burol nito.
Ang memorial service ay nagsimula na nitong nagdaang Linggo, June 16 at tatagal hanggang June 20, sa Cebu Rolling Hills Memorial Chapel, A.S. Fortuna Street sa Mandaue City, Cebu.
Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga IG users para sa pamilya ni Chanda, kabilang na riyan ang mga kaibigan niya sa entertainment industry.
“My condolences, dear Chanda,” pakikiramay ni Coney Reyes.
Komento ni Susan Africa, “Hugs my dear friend.”
“Condolence po Ms Chands, mahigpit na yakap po,” ang message naman ni Jean Garcia.
Baka Bet Mo: Chanda Romero kay Bernardo Bernardo: ‘His sexual preference didn’t matter’
“My condolences and prayers Chands… tightest of hug,” pakikisimpatya ni Cherry Pie Picache sa namatayang beteranang aktres.
Comment ni Sandy Andolong, “So sorry for you loss Chanda. Hugs.”
“Our deepest Condolences,” pakikiramay ni Jestoni Alarcon.
“Rest in peace Dear Soul, deepest sympathies,” mensahe ni Timmy Cruz.
Tatlong taon na ngayon ang nakararaan nang pumanaw naman ang nanay ni Chanda na si Remedios “Meding” Romero, na isa sa mga tinamaan noon ng COVID-19.
Sa kanyang Instagram post noong July 3, 2020, nag-share ang 70-year-old actress ng lumang litrato ng kanyang nanay na may caption na, “Go with God now, Mom.
“Till we meet again. He loves you so very much (heart sign),” aniya pa.