Gelli, Candy, Carmina, Janice 2 ang ‘di dapat pag-awayan: Pera at lalaki

Gelli, Candy, Carmina, Janice 2 ang 'di dapat pag-awayan: Pera at lalaki

Candy Pangilinan, Janice de Belen, Gelli de Belen at Carmina Villarroel

MAY dalawang mahahalagang bagay na bahagi ng kasunduan ng magkakaibigang Gelli de Belen, Candy Pangilinan, Carmina Villarroel at Janice de Belen.

In fairness, sa ilang taong pagsasama nila bilang mga mag-BFF, never pa naman nila pinag-awayan ang PERA at hindi pa rin sila nag-agawan sa LALAKI.

Napag-usapan ang tungkol dito nang mag-guest sina Gelli at Candy sa “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA 7 last Thursday.

Baka Bet Mo: ‘Darna’ ni Jane de Leon sa ABS-CBN humahataw sa online views pero…

Naniniwala ang dalawang aktres sa kapaniwalaan ng mga Pinoy na huwag na huwag makikipag-partner sa mga kaibigan pagdating sa business.


Pero ayon kina Gelli at Candy, kung ang pagbabasihan ay ang friendship nila nina Carmina at Janice, pwede pa rin naman daw itong mangyari kung malinaw ang usapan.

Sey ni Gelli, kung noon siya tatanungin baka raw hindi siya papayag na maging kasosyo sa negosyo si Candy at iba pa niyang kaibigan dahil baka maging sanhi pa ito ng pagkasira ng kanilang samahan.

“Dati it’s an ideal situation na… para wala kayong problema, para friendship is friendship, it’s forever,” katwiran ni Gelli.

Baka Bet Mo: Carmina, Gelli, Janice, Candy solid na solid pa rin ang friendship: Lahat talaga kami super daldal

“Pero I suppose if there are parameters if there’s a contract, if there’s something that’s clear, black and white, it is possible,” esplika ng aktres.

Sey naman ni Candy, mahalaga ang pagkakaroon lagi ng kontrata kapag business at pera ang pinag-uusapan.

Sa katunayan, kahit daw sa podcast nila nina Gelli, Carmina at Janice na “Wala Pa Kaming Title” ay pumirma sila ng kontrata at talagang ipinabasa pa nila ito sa isang abogado.


“I made sure, talagang kumuha ako ng lawyer na talagang ipina-check ko talaga sa lawyer lahat, tapos pinabasa ko sa kanila,” pahayag ni Candy.

Sunod na tanong naman ni Tito Boy,  pinag-uusapan din ba nilang magkakaibigan ang tungkol sa pera.

Agad na sagot ni Gelli, “Actually, dapat pinag-uusapan nga e. Parang ‘Uy, hanggang ano lang ako, 500 lang ako a.’ It’s part of the communication, lalo na you have to be clear, open.”

At sabi nga ni Candy, may dalawang bagay lang daw silang sinusunod na magkakaibigan, “Dalawa lang ang rule namin na hindi pwedeng pag-awayan, pera’t lalaki.”

Read more...