Alden apektado sa mga torture scene sa Pulang Araw; David kalma lang

Alden apektado sa mga torture scene sa Pulang Araw; David kalma lang

David Licauco, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Alden Richards at Dennis Trillo

GRABE ang epekto kay Alden Richards ng bawat eksenang ginagawa niya sa pinakabagong historical drama ng GMA 7, ang “Pulang Araw.”

Proud na proud ang Asia’s Multimedia Star sa bago niyang teleserye kung saan makakasama niya ang iba pang pambatong GMA stars – sina Barbie Forteza, David Licauco at Sanya Lopez with the Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Iikot ang kuwento ng “Pulang Araw” mula sa direksyon ni Dominic Zapata, sa buhay ng apat na magkakaibigan na nabuhay noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Alden, Sanya, Barbie, David balik-World War 2 sa ‘Pulang Araw’

Magiging makulay, masalimuot, madrama at madugo ang susuunging mga pagsubok nina Adelina (Barbie), Teresita (Sanya), Hiroshi (David), at Eduardo (Alden).


“As war ravages their homeland and Japanese forces occupy the Philippines, their dreams, friendships, and loyalties are tested, leading them on a journey of self-discovery and resilience,” ang bahagi ng synopsis ng kuwento ng “Pulang Araw.”

Para kay Alden, “very fulfilling and rewarding” ang makagawa ng isang programa na tumatalakay at nagpapakita sa mga totoong kaganapan  noong World War II sa Pilipinas at kung paano napagtagumpayan ng mga Filipino ang giyera at makamit ang kalayaan.

“First time kong makagawa ng project na may emotional impact after a certain scene,” sabi ni Alden sa panayam ng GMANetwork.

Baka Bet Mo: Alden humingi ng tulong sa lola bilang paghahanda sa ‘Pulang Araw’

Hindi rin maiwasan ng Kapuso leading man na maging emosyonal habang kinukunan ang mga torture scene sa serye.

“There’s a lot of inhumane acts that was committed during that time and parang naisip ko na I’m very grateful.


“I don’t know, baka ‘di lang kinukuwento ng mga lolo’t lola ko sa ‘kin, but what if na-experience nila ‘yun, ‘yung ganu’ng klaseng pagyurak sa kanilang pagkatao,” sabi pa ni Alden.

Naikuwento naman ni Barbie sa naturang panayam ng GMA ang isa sa mga paborito niyang bahagi ng pagganap niya sa “Pulang Araw” bilang makalumang tao.

“I think ‘yung dresses ko. Lagi kong sinasabi sa stylist ko, gustung-gusto ko ‘yung mga dress ni Adelina, very Barbie din siya talaga,” sey ni Barbie.

Siyempre, enjoy na enjoy din daw siya sa mga bonding moments nila ng kanyang co-stars sa shooting, pati na ang direktor nilang si Dominic Zapata.

“Since he’s the captain of the ship, siya ‘yung talagang magtitimpla ng buong mood sa set. So given na mabigat ‘yung storya namin, he keeps things light off-cam which is good and helpful for all of us,” sabi ni Barbie.

Para naman kay David, enjoy din siya sa pagganap bilang Hiroshi sa serye. Mas kumportable na raw siya ngayon sa kanyang role kumpara noong gawin niya ang “Maria Clara at Ibarra” kung saan nagmarka ang karakter niya as Fidel.

“I would say mas kalmado ako dito. Dahil usually kapag nasa taping medyo mas ano ako, anxious kasi ang daming kailangan gawin, there’s so many people. Pero here, I would say na comfortable ako,” sabi pa ni David.

Muntik nang sumuko si Sanya sa role niya as Teresita dahil sa tap dancing lessons and performances nila ni Barbie sa serye.

“’Yun talaga ‘yung muntik ko nang sukuan. Pag nagkukuwento nga ako, parang mas gusto ko nalang gumyera. Sasama nalang ako sa giyera kesa magsayaw. Ganu’n ‘yung feeling niya.

“Dito ‘ko na-test, eh. Yung sayaw, hindi ka pwedeng bastang marunong ka lang sumayaw.

“Hindi rin kasi siya normal na sayaw na pwede mo siyang dayain or mag-adlib kapag may nakalimutan ka. Lalo na at magkasama kami ni Barbie dito, importante na magkasabay kami,” ani Sanya.

“Dito, kailangan alam mo lahat. Marunong kang kumanta, marunong kang sumayaw. Marunong kang sumabak sa giyera,” dagdag pa ng dalaga.

Mapapanood na ang “Pulang Araw” sa  GMA Prime simula July 29.

Read more...