DUROG na durog ang puso ng Kapamilya actor na si Christian Bables dahil sa ginawa ng isang crematorium sa kanyang namatay na aso na si Hope.
Pinagso-sorry ng premyadong aktor ang Haven of Angels Memorial Chapels and Crematorium Inc. sa publiko matapos niyang madiskubre ang kawalang-respeto nito sa kanyang pet dog na namatay nitong nagdaang June 15.
Sa pamamagitan ng demand letter mula sa Calinisan Domino and Beron Law Offices, nais ni Christian na mag-issue ng public apology ang naturang pet crematorium dahil sa pambabalewala at pambabastos sa pumanaw niyang alaga.
Baka Bet Mo: Christian Bables never nakipagbardagulan sa bashers, pero apektado ba ang lovelife kapag natsitsismis na bading?
Kuwento ng aktor sa ulat ng ABS-CBN, agad niyang tinawagan ang Haven of Angels Memorial Chapel para sa kanilang crematorium service nang malamang namatay si Hope ng 5:28 p.m.. Nasa Makati raw siya nang oras na yun habang nasa Antipolo ang aso.
Nagbayad si Christian ng P1,000 sa Haven of Angels Memorial Chapels and Crematorium para maproseso na agad ang labi ni Hope. Pero 9:30 p.m. na raw na-pick up ang aso.
Katwiran ng driver ng naturang crematorium, mali raw ang address na napuntahan niya at isinisi pa sa traffic ang delay ng pagkuha niya sa aso ni Christian.
Ang mas nagpasama pa sa loob ng binata ay nang makita ang labi ni Hope na parang hindi muna nilinis at inayos ang itsura ng kanyang alaga at basta na lang inilagay sa pwesto nito.
Baka Bet Mo: Jaclyn Jose nagparamdam sa kaibigan sa pamamagitan ng paruparo
“Pagdating namin du’n si Hope nakabalandra lang du’n hindi man lang inayos, para siyang baboy sa palengke.
“Ang panget sa pakiramdam ‘yun kasi last time makikita ‘yung someone I dearly love, alam ko hindi lahat maintindihan nararamdaman ko. Pamilya ko kasi ‘yun malaki siyang part ng support system ko,” ang emosyonal na pahayag ni Christian sa nasabing interview.
Aniya, isang maliwanag na pambabastos at kawalang-respeto sa namatay na aso ang ginawa ng inirereklamong crematorium.
Kaya humihingi siya ng public apology sa nasabing establisimyento, “I think its about time to speak up that animals of all kinds and sizes should be treated with enough respect and decency buhay pa man na kasama natin o namayapa na.
“Alam ko marami ring fur parents na makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon. This is to place awareness na sana wala na furparent or furbabies na makaranas ng ganito,” sabi pa ni Christian.
Ayon pa sa abogado ni Christian na si Rafael Vicente Calinisan, “During Hope’s last moments, he was mistreated and neglected. There was undignified treatment of the remains of Hope.
“Our client was hoping that bringing Hope to HAMCC would ease his burden. However, the opposite happened,” aniya.
Kapag tumanggi raw ang HAMCC na mag-public apology, mapipilitan silang gumawa ng legal action.
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng HAMCC hinggil sa reklamo ni Christian. Nagpadala na rin kami ng mensahe sa kanila sa pamamagitan ng direct message sa social media para sa ikalilinaw ng isyu.