Marvin Agustin biktima ng ‘modus’, ibang level ang panloloko gamit ang AI

Marvin Agustin biktima ng ‘modus’, ibang level ang panloloko gamit ang AI

PHOTO: Instagram/@marvinagustin

MATINDI ang ginagawang “modus” ngayon ng online scammers!

Kaya naman mga ka-BANDERA, mag-ingat ingat dahil baka kayo ang susunod na mabiktima.

Ibang level na kasi ang kanilang pakana kung saan bukod sa pangalan at litrato, nagagaya na rin nila mismo ang boses ng kanilang target gamit ang AI o ‘yung tinatawag nating Artificial Intelligence.

Tulad na lamang ng dating aktor na si Marvin Agustin na ibinandera ang kanyang pagkabahala dahil recently lamang ay nabiktima siya ng mga online suspect.

Sa pamamagitan ng Instagram post, naglabas si Marvin ng official statement upang magbigay babala sa kanyang followers.

Baka Bet Mo: Marvin umayaw sa teleserye: Hindi ko naramdaman na yun ang gusto ng puso at kaluluwa ko

“To all my followers as Marvin Agustin or ‘Tito Marvs,’ I would like to inform you that we have received several reports of social media accounts pretending to be me or my representatives selling various products,” sey niya.

Pagbubunyag niya, “These impersonators are using my name, photos, and videos, as well as manipulating my voice using AI.”

Kasunod niyan ay ibinandera niya ang mga link ng opisyal niyang Facebook, Instagram at TikTok pages, pati na rin ng kanyang mga legit stores.

Pakiusap niya, “We urge everyone to report any suspicious posts on online platforms.”

Mensah pa ni Marvin, “Thank you very much for your understanding and support.”

Ang dating aktor ang latest celebrity na naging biktima ng ganitong klaseng modus.

Ilan lamang sa mga bigating artista na naunang naging target ng online scammers ay sina Vice Ganda, Jak Roberto, Lea Salonga, at marami pang iba.

Dahil sa paglaganap ng paggamit ng AI, ang publiko ay pinaaalalahanan na mag-fact check at i-verify nang mabuti sa pamamagitan ng pagkinig at pagiging usisa sa mga nakikita online, lalo na sa social media platforms.

Read more...