Kim Chiu namaalam na bilang ‘Secretary Kim’: Signing off!

Kim Chiu namaalam na bilang ‘Secretary Kim’: Signing off!

PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

MAKALIPAS ang halos tatlong buwan, tuluyan nang namaalam ang aktres na si Kim Chiu sa kanyang role sa Philippine adaptation ng K-Drama na “What’s Wrong With Secretary Kim.”

Magugunitang nag-umpisang ipalabas ang serye noong March 18 sa streaming app na Viu at natapos ang 40 episodes nito noong June 12.

Sa Instagram, inamin ni Kim na hindi siya makapaniwala na tapos na ang pinagbibidahan niyang show katambal ang aktor na si Paulo Avelino.

Gayunpaman, marami raw siyang napulot na aral mula sa kanyang karakter.

“As I close another character I played, I always learn something or have this takeaway trait that I will keep inside my pocket as I turn my back to that particular role. There were so many doubts, confusion, fear, and unsure thoughts, but all I did was trust the process,” caption ng aktres, kalakip ang isang video na pinagsama-sama ang ilang scenes niya sa show.

Baka Bet Mo: Kim, Paulo kontra sa office romance: Hindi talaga maiiwasan, pero…

Kasunod niyan ay isa-isa na niyang pinasalamatan ang lahat ng bumubuo sa “What’s Wrong With Secretary Kim.”

Wika niya, “Thank you to the captain of our ship, Direk @cvovidanes, for the patience and guidance throughout the series and to my leading man, @pauavelino, for accepting the role and having my back during those tough days.”

Kasama rin sa mga binanggit ng aktres ay ang Viu Philippines, Dreamscape Entertainment, ang buong staff and crew, at siyempre ang ilan pang mga artista na nakatrabaho niya sa serye.

Mensahe pa nga niya, “Grabe! Everyone brought their A-game sa set, like literally EVERYONE. #TeamWorkMakesTheDreamWork it is!!!”

At speaking of Dreamscape, nagbigay-pugay rin si Kim sa dating head nito, ang yumaong Deo Endrinal.

“To Sir Deo, thank you po ng sobra sobra. [white heart emoji] I know you are watching us from up above. I hope we made you proud. We miss you, and this project is for you [folded hands emoji],” ani niya.

Sa comment section, maraming fans ang tila nalungkot dahil natapos na ang sinusubaybayan nila kay Kim.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Congrats Sec Kim!!! Definitely better than the original [Philippine flag emoji].”

“I’m kind of sad. Because now I am no longer feeling the excitement to wait for another episode. we will miss you Sec Kim! [crying face, red heart emojis].”

“Nakaka-sad naman patapos na ang Linlang, pati ba si Sec. Kim tapos na…We miss you Kimmy and Pau!”

“Mamimiss namin ang WWWSK at si Sec. Kim at BMC! Ang galing ninyong lahat. Congratulations team WWWSK [red heart, smiling face with heart eyes emojis]”

Bukod kina Kim at Paulo, tampok rin sa Philippine adaptation series sina Janice De Belen, Romnick Sarmenta, Pepe Herrera, JC Alcantara Jake Cuenca, Gillian Vicencio, Cai Cortez, Yves Flores, at marami pang iba.

Read more...