Heart istriktong stepmom sa 2 anak ni Sen. Chiz: I’m very, very protective!

Heart istriktong stepmom sa 2 anak ni Sen. Chiz: I'm very, very protective!

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na mas istrikto siya kay Senate President Chiz Escudero pagdating sa kanilang mga anak.

Tuwang-tuwa at feeling thankful si Heart dahil sa natanggap na mga papuri mula sa netizens dahik sa pagmamahal at pag-aalaga niya sa mga anak ni Sen. Chiz sa una nitong partner.

Nitong nagdaang linggo ay nakatanggap ng positions komento mula sa kanyang mga social media followers dahil sa pag-aasikaso sa kanyang stepdaughter na si Chesi, para sa kanilang prom night.

Nag-post pa nga si Heart ng video sa kanyang Instagram account kung saan mapapanood ang ginawa nilang paghahanda ni Chesi sa kanilang school dance.

Makikita rin sa naturang video ang Kapuso young actor na si Bryce Eusebio na naging escort ni Chesi sa kanilang prom night.

Baka Bet Mo: Heart pinuri, cool stepmom sa anak ni Chiz: Napakaswerteng bata!

Aniya sa caption, “Our baby is now a lady!” Pinusuan at ni-like ng napakaraming netizens ang naturang IG post ng international fashion icon kasabay nga ng mga papuri sa kanya ng mga ito.

“Actually, gusto kong mag-thank you sa lahat ng nanonood, kasi parang ito ‘yung naging pag-welcome niya to the world in a sense,” pahayag ng wifey ni Sen. Chiz.

“The day after, even the way she dressed up, she’s more confident. She was very comfortable. I’m so happy,” dagdag pa niyang chika about Chesi.

Samantala, inamin naman ni Heart na pagdating sa pag-aalaga sa kanilang mga anak ay may istrikto raw siya kay Chiz, lalo na pagdating sa curfew.

“Ako yung mas mahigpit nang slight, ako yung mas OC pagdating sa time. Anong oras ka uuwi? I’m very, very protective,” chika ng Kapuso superstar.

At nang tanungin sa naturang interview kung may plano ba si Chesi na pasukin din ang mundo ng showbiz, parehong matigas na NO ang sagot ng mag-asawang Heart at Sen. Chiz.

Read more...