Jodi in-enjoy ang Independence Day: Without restrictions, hesitations

Jodi in-enjoy ang Independence Day: Without restrictions, hesitations

PHOTO: Instagram/@jodistamaria

MUKHANG enjoy na enjoy ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria ang Independence Day!

Magugunitang na-grant ng korte ang annulment ng kasal nila ng dating mister na si Pampi Lacson, kaya naman tinatamasa niya ang pagiging single at malaya sa married life.

Sa Instagram, masayang ibinandera ni Jodi ang ilang bonding moments kasama ang anak niyang si Thirdy habang nagbabakasyon.

Makikita ang ilang litrato nila habang nasa isang yate, pati na rin ang pagpipinta nila habang nasa beach.

“As we celebrate our freedom today, let us appreciate the times we get to explore our country, marvel at its beauty and enjoy the time we are able to spend with our loved ones without restrictions, without hesitations,” caption niya sa posy.

Baka Bet Mo: Jodi ‘himala’ ang turing nang isilang si Thirdy: ‘I prayed for you…’

Sey niya pa, “Today, I cherish those moments I freely spend with you @iamthrds.”

“Here’s to painting the future with you!” mensahe niya sa anak.

Sa comment section, maraming netizens ang tuwang-tuwa para kay Jodi at nagpaabot ng kani-kanilang sentimyento.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“You really look happy [smiling face with hearts emojis]”

“A lesson learned…Happy Independence and hope never again to be tied up.”

“For real araw ng kalayaan Ms. Jodi [blue heart emojis]” 

“Truly time heals all the bondages of the past! [red heart, clapping hands emojis] Congrats Po Maam Jodi and Thirdy.” 

Kung matatandaan, ikinasal sina Jodi at Pampi noong 2005 sa Las Vegas, Nevada. 

Nagkahiwalay sila noong 2011 at nitong June 9 lamang nang proud na ibinalita ng aktres na single na siya matapos ngang ma-grant ang annulment of marriage sa dating asawa.

Read more...