SINIGURO ng Canadian singer at tinaguriang Queen of Power Ballads na Celine Dion na kahit anong mangyari ay babalik at babalik siya sa pagpe-perform.
Sa kabila ng iniindang rare neurological condition, desidido na si Celine na muling kumanta kahit pa raw “gumapang” siya paakyat ng stage.
Gagawin daw ng premyadong international singer ang lahat ng kanyang makakaya upang makapag-perform sa harap ng kanyang mga fans and supporters all over the universe.
Baka Bet Mo: Hit songs ni Celine Dion ‘binuhay’ sa upcoming film na ‘Love Again’
Sa panayam ng American network na NBC, sinabi ni Celine na kahit na meron siyang Stiff Person Syndrome — “which causes stiff muscles in the torso, arms and legs, and can trigger severe spasms”, nangako siya sa lahat ng sumusuporta sa kanya na kakanta siya uli sa mga susunod niyang concert.
“I’m going to go back onstage, even if I have to crawl. Even if I have to talk with my hands, I will. I will,” sabi ni Celine na 56 years old na ngayon.
Ipinalabas ang naturang interview, ilang araw bago ang release ng kanyang documentary na “I Am: Celine Dion” na mapapanood sa June 25 sa Amazon Prime.
“I am Celine Dion, because today my voice will be heard for the first time, not just because I have to, or because I need to. It’s because I want to and I miss it,” ang pahayag pa ng Grammy-winning singer.
Baka Bet Mo: Celine Dion binigyan ng standing ovation sa 2024 Grammys: I love you!
December, 2022 nang unang ibalita ni Celine na na-diagnose siya nh Stiff Person Syndrome, isang autoimmune disorder.
Wala pang natutuklasang gamot para rito but treatment can help control symptoms, according to the US National Institutes of Healh.
“It’s like somebody is strangling you,” ang pag-amin ni Celine sa epekto sa kanya ng naturang kundisyon.
Dahil dito, napilitan ang mga producer na kanselahin ang kanyang series of concerts for 2023 and 2024. Pero sinorpresa niya ang kanyang mga fans nang magkaroon siya ng special appearance sa Grammy Awards 2024 kung saan siya ang nag-present ng Album of the Year award kay Taylor Swift.