Heart Evangelista game sa reunion movie ng ‘Ang Tanging Ina’

Heart Evangelista game sa reunion movie ng 'Ang Tanging Ina'

Heart Evangelista

NAGPAKITA ng interes ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na maki-join sa reunion project ng kanilang blockbuster hit movie noon na “Tanging Ina”.

Sa panayam sa kanya ng GMA Integrated News nitong Biyernes, June 7, ay nausisa siya kung game ba siya sakaling matuloy ang kanilang reunion movie.

Agad namang nagpahayag ng pagsuporta si Heart at willing itong gumanap uli sa kanyang karakter sa naturang pelikula.

“Yes! Marami nang narating si Portia sa kaniyang kaartehan,” masayang sagot ng aktres.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista sa ‘wala kasing anak’ comment: Napipikon ako sa’yo ah!

Naibahagi rin ni Heart na aware siya na hanggang ngayon ay trending pa rin ang eksena nila nina Alwyn Uytingco at Nikki Valdez kung saan pinag-aawayan nila ang kanyang magiging debut.

“Yes… natuloy naman din siya sinabunutan nila ako and all that pero natuloy, natuloy ang debut ni Portia,” chika pa niya.

Para sa mga hindi aware, ginampanan noon ni Heart ang karakter ni Portia, isa sa mga anak ni Ina Montecillo na ginagampanan naman ni Ai Ai delas Alas.

Matatandaang kamakailan lang nang nagpakita ng kagustuhan si Ai Ai na magkaroon ng bagong installment ang kanilang comedy film.

Samantala, abala naman ngayon si Heart para sa kanyang mga tungkulin bilang bagong presidente ng Senate Spouses Foundation Inc.

“Well I really have to study the Senate Spouses Foundation Inc., I needed to study thoroughly kung anong mga naging project nila and basically it’s us continuing what they have done, updating what they have done like infrastructures, facilities, so babalikan namin lahat yun.

“But at the same time, we wanted new things again, I’m kind of OC (over-conscious) when it comes to my work. Although this is not really work because it’s a foundation, it’s from the heart. Binigay naman din siya so siguro sabi ni Lord, it’s time to work and give back,” lahad ni Heart.

Amin niya, kahit papaano ay binibigyan naman daw siya ng advice ng kanyang asawa kahit abala ito.

Read more...