Heart Evangelista na-miss si MDS: My second mom

Heart Evangelista na-miss si MDS: My second mom

TILA nakaramdam ng pangungulila ang Kapuso actress at socialite na si Heart Evangelista sa namayapang dating senador na si Miriam Defensor-Santiago.

Sa kanyang post sa TikTok nitong Huwebes, June 6, ibinandera niya ang video ng ng compilation ng mga larawan nila ng yumaong dating senador noong nabubuhay pa ito.

“She was my defender, my second mom [heart emoji] she was my cupid and set me up with my now husband,” pagbabahagi ni Heart sa caption ng kanyang post.

Ipinahayag rin niya ang kanyang pagka-miss sa itinuring na pangalawang ina.

Baka Bet Mo: Heart nilinaw na walang sahod sa Senate Spouses Foundation: ‘From the heart’

“I miss you [heart emoji] I wish I could still call you like before. I miss our little trips together [heart emoji] that reflection on the last pic is there for a reason,” sey pa ni Heart.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa madlang pipol ang naturang post ng asawa ni Sen. Chiz Escudero.

“missing the Best President we never Had [crying emoji]. We love you Sen. Miriam Defensor Santiago,” saad ng isang netizen sa post ni Heart.

“siya Ang huli Kong binoto tapos di na ako bumoto ng presidential after,” comment naman ng isa.

“Imagine kung buhay pa sya tapos sya ang nag interrogate kay Alice Guo, iiyak talaga sya,” hirit naman ng isa sa post ni Heart.

“still cant believe she gone, isa sa hinahangaan kong senadora,” sey pa ng isa.

Matatandaang kamakailan pang nang manumpa si Heart sa Senado bilang bagong pangulo ng “Senate Spouses Foundation, Inc.” (SSFI).

Read more...