Xian Lim bukas sa muling pakikipagtrabaho kay Kim Chiu: Why not?

Xian Lim bukas sa muling pakikipagtrabaho kay Kim Chiu

Xian Lim

WALANG nakikitang problema ang Kapuso actor at director na si Xian Lim sakaling muli silang magkatrabaho ng dating girlfriend na si Kim Chiu.

Sa kanyang ekslusibong panayam sa “GMA Integrated News Interviews” ay muling natalakay ang isyu ng paghihiwalay nila ng Kapamilya TV host-actress matapos ang mahigit isang dekadang nilang relasyon.

Chika ni Xian, nagtapos naman sa maayos na paraan ang kanilang relasyon.

“We ended naman in good terms. Wala naman talaga kasi siyang… Of course, merong iyakan… We’re people, tao kami,” pagbabahagi ng binata.

Baka Bet Mo: Sey ni Xian Lim ‘pag nakita ang ex: I hope you do find happiness

Pagpapatuloy pa ni Xian, “Of course, in time kung bibigyan kami ng pagkakataon na magkatrabaho ulit, why not?”

Aniya, ang mga ibinabato sa kanya ay hindi na makontrol at marami rin ang nagsasabing kaya siya nagsasalita ay dahil mayroon siyang pelikulang ipalalabas.

Kuwento ni Xian, “It’s gotten out of hand na and that’s just the painful part of it. Sasabihin nila na nag-iingay si Xian because may pelikula, no.

“We really did explain from the bottom of our hearts kung ano talaga ang nangyari. Hindi na namin kailangan pa isa-isahin kung sino ang nagkulang because it’s just like any other relationship.”

Sinabi rin ni Xian na hindi niya deserve ang mga ibinabatong maling paratang laban sa kanya.

“I do not deserve the false accusations, the lies being spread. I work really hard. We are all working really hard. I don’t want to be defined by what happened with my breakup or my previous relationship.

“I don’t want to be defined by what people are saying about me—these false headlines, o kung ano man,” sey pa ni Xian.

Samantala, naikuwento rin ng aktor na maging ang mga taong malalapit sa kanya ay apektado na sa hindi matapos tapos na isyu buhat nang maghiwalay sila ni Kim.

“Sige, ako na po ‘yung tirahin nila, but not my family. Nadadamay na rin kasi ‘yung nanay ko pati ‘yung lola ko. They’re getting personal messages. I’m getting death threats. My mom’s getting death threats.

“Umabot sa ganun, that’s the gravity of the situation I’m dealing with now,” he said.
“My family doesn’t deserve all the makeup lies,” chika pa ni Xian.

Matatandaang December 2023 nang aminin ni Kim Chiu na hiwalay na sila ni Xian matapos ang labingdalawang taong relasyon.

Read more...