Luke sa ‘beso’ issue sa ‘EXpecially For You’: Hindi comfortable ‘yung girl

Luke sa 'beso’ issue sa 'EXpecially For You': Hindi comfortable ‘yung girl

PHOTO: Instagram/@lukeconde07

NAG-REACT na rin ang dating miyembro ng Hashtag na si Luke Conde ukol sa kontrobersyal na episode ng “EXpecially For You” ng noontime show na “It’s Showtime.”

Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), sinabi ni Luke na nakita niya ang naging reaksyon ng babaeng searcher na si Christine matapos umano’y tangkaing nakawan ng halik ng kanyang ex-boyfriend at male contestant na si Axel Cruz.

“To be fair pag pinanood mo ‘yung nangyari, kahit ako nakita ko na hindi comfortable ‘yung reaction ‘nung girl,” simpleng post ng dating Hashtag member.

Baka Bet Mo: Christine todo iyak matapos bawiin ni Vice ang sorry: ‘Paano naman po ako?!’

Sa comment section, maraming netizens ang sumang-ayon kay Luke at nagbigay rin ng sarili nilang opinyon.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Yes. Kaya abrupt ‘yung reaction ng mga hosts.”

“Kaya nga po nag-react ang mga host, sana naman focus tayo sa issue.”

“True ito, the girl  may or may not be comfortable pero based sa nakita ng mga hosts there was no consent, implied or otherwise. Kaya napagsabihan si guy. It’s not about the intent na magmanyak. Don’t get me started with the pangit vs gwapo argument pa nga.”

“Same. Si Mama nga na 75 years old nagulat din sa aksyon ‘nung guy kay girl, napailing din ako.”

Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tangkang pagnanakaw ng halik umano ni Axel kay Christine.

Na-call out ng TV host na si Vice Ganda ang binata upang suwayin sa ginawa.

Sinabihan niya rin ito na hindi maganda ang naging gesture niya at kinakailangang humingi ng consent sa dating karelasyon bago ito halikan.

Dahil sa nangyari, dinumog ng bashers si Axel at pati si Vice ay naging hot topic online.

Naglabas agad ng pahayag ang dalawang guests ng nasabing segment at kasunod niyan ay ang pag-post ni Vice upang humingi ng sorry.

Ngunit binawi rin ng komedyana ang kanyang apology at nanindigan sa kung ano ang nakita niya, “Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did.”

“Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right,” sambit pa niya.

Recently lamang ay may bagong viral video si Christine na humahagulgol ng iyak habang kausap ang isang staff ng noontime show sa telepono.

“Mas lalo niyo po sila binigyan ng dahilan para mai-bash ako,” sey ni Christine sa kanyang kausap na babae sa phone.

Wika pa niya habang umiiyak, “Pinagmukha niyo akong sinungaling. Paano naman po ako.”

As of this writing, wala pang inilabas na bagong statement ang “It’s Showtime” kaugnay sa bagong viral video ni Christine.

Read more...