Max Collins, Pancho Magno nagsama para sa ‘moving up’ ng anak

Max Collins, Pancho Magno nagsama para sa ‘moving up’ ng anak

PHOTOS: Instagram/@magnopancho, @maxcollinsofficial

PATUNAY ang dating celebrity couple na sina Max Collins at Pancho Magno na posible ang maayos na co-parenting.

Ito ay matapos dumalo at magsama ang dating mag-partner sa naging “moving up day” ng kanilang anak na si Skye.

Sa isang Instagram Story, ibinandera ni Max ang litrato nilang tatlo habang nagpo-pose sa loob ng elevator para sa isang groupie picture.

Caption niya riyan, “It’s our baby’s moving up day!” 

Nag-post naman ng hiwalay na IG Story si Pancho na ibinibida ang selfie nila ng anak.

Baka Bet Mo: Max Collins kinumpirmang naghiwalay sila ni Pancho Magno noong kasagsagan ng pandemya, mas piniling manahimik: ‘Ayokong gawing teleserye ‘yung buhay namin’

PHOTOS: Screengrab from Instagram Stories

Bukod diyan, shinare din ng aktor ang isang video na ipinapakita ang ilang bonding moments nila ni Skye sa gitna ng nasabing seremonya.

Mapapanood naman na si Max ang tumungtong sa stage habang buhat buhat ang anak.

Kasali rin sa video ang ilang family pictures nilang tatlo habang makikita sa background ang isang malaking congratulations banner.

“Congratulations to our baby big boy! We are so proud of you! Love you!” caption ni ng celebrity dad sa IG.

Nagkomento naman diyan si Max at sinabing: “Yay [heart emoji]”

Sa comment section, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkabilib sa dating couple bilang pareho silang present sa milestone ng kanilang anak.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Congratulations, Skye, and to the parents. Admirable how you are both co-parenting.”

“Ito lang yata ang naghiwalay na hindi nagsiraan.”

“Sana mgkabalikan kayo…deserve ang second chance. Sayang ang family, mas magiging happy si baby boy seeing u guys feels kilig [red heart emoji]”

“GOOD CO-PARENTING wala ilangan at galit sa mga mukha nila [happy face with heart eyes emoji] Ang saya saya nila tignan!”

Noong Abril lamang, ibinunyag ni Max sa isang interview na pinag-uusapan na nila ni Pancho ang mag-file ng divorce.

“I’m an American citizen; I’ll divorce him,” sey ng aktres.

Dagdag pa niya, “It’s not active as of now, but soon; we already talked about it; that’s something we’re working on.”

Nang tanungin naman sila about sa co-parenting set up, ipinagmalaki ni Max na ito ay “healthy” at “going great” para sa kanila.

“We’re good, we’re great,” sambit ni Max.

Patuloy niya, “It really works for us; we’re very healthy, and we’re both happy, and our son is very happy, so really it worked out for the best.”

Taong 2023 nang maghiwalay ang dalawa makalipas ang anim na taong kasal.

Read more...