Toni Fowler ‘nilaro’ ng netizens, baby bump di malaman kung sa harap o sa likod

Toni Fowler 'nilaro' ng netizens, baby bump di malaman kung sa harap o sa likod

NAGBIGAY update ang social media influencer na si Toni Fowler tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, June 3, nagbahagi siya ng latest photo niya upang ibandera ang kanyang baby bump.

“Baby bump update [smiling emoji]” saad ni Toni sa caption ng kanyang post.

Ngunit ang simpleng pagpo-post ng social media personality tungkol sa kanyang pagdadalangtaon ay ginawang laro ng mga netizens na nakakita nito.

Baka Bet Mo: Toni Fowler, Vince Flores nagkaayos na

Narito ang ilan sa mga komento ng madlang pipol sa baby bump ni Toni Fowler.

“Nalilito ako kung saan e. Sa harap ba o sa likod? Ems [peace sign emoji],” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “para ka ng bubuyog mami oni pero maganda pa rin [heart and smiling emoji].”

“Malaki pa yung pwet sa tiyan hahaha,” hirit naman ng isa.

Nitong taon lng nang ibahagi ni Toni ang kanyang pagdadalangtao sa pamamagitan ng kanyang reality show na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Bago ang kanyang baby bump update ay umigong ang chikang tila nag-break na sila ng partner at kapwa content creator na si Vince Flores.

Ngunit makalipas lang rin ng ilang araw ay nagkabalikan rin ang dalawa at sinabing marahil ay dahil lang sa hormones niya bilang buntis ang naging dahilan kung bakit niya ito nasabi.

Read more...