ATEEZ pak na pak sa bagong mini album, #1 sa mahigit 30 bansa

ATEEZ pak na pak sa bagong mini album, #1 sa mahigit 30 bansa

PHOTO: Courtesy of Sony Music

TIYAK na nagbubunyi ang ATINY, ang fandom ng sikat na K-Pop boy band na ATEEZ!

Paano ba naman kasi, umariba sa iTunes ang ika-sampung mini album ng grupo na pinamagatang “GOLDEN HOUR Part 1.”

Nabasag nito ang bagong record matapos mag-number one ang nasabing album sa mahigit tatlumpung bansa sa nabanggit na media player app.

Bilang resulta din nito, ang mini album ay isa na rin sa best-selling K-Pop releases para sa taong ito.

“With a stylistic range that embraces new sonic flavors and exciting production approaches, [GOLDEN HOUR Part. 1] opens a new saga for the eight-member pop act to explore in terms of conceptual direction,” saad sa inilabas na press release ng Sony Music.

Baka Bet Mo: Ronnie Liang nag-audition para maging K-Pop idol pero biglang umatras

Ani pa, “As presented in the ideation for the latest era, ATEEZ begs the question, ‘What are we doing in the final moments of daylight right before the sun sets,’ and interprets in a multitude of ways how everyone would feel experiencing the ‘golden hour’ of their lives with a picture-perfect moment or lack of it.”

Tampok sa tenth studio album ang lead single na “WORK” na nagpapahayag ng tuloy-tuloy na pangako ng award-winning group pagdating sa pagsusumikap at pagharap sa mga hamon.

Kabilang din sa mga tracks na nag-standout ay ang energetic dance anthem na “Blind,” pati na rin ang reggae-meets-EDM banger na “Shaboom” at bombastic upbeat song na “Siren.”

Mapapakinggan rin sa album ang mga kantang “Empty Box” at “Golden Hour.”

Hindi makakaila ang pagsikat ng ATEEZ sa iba’t-ibang lupalop ng mundo.

Gumawa sila ng kasaysayan bilang kauna-unahang K-Pop boy group na nagtanghal sa “Coachella,” ang pinakamalaking music festival sa United States.

Nakatakda rin silang mag-perform sa largest music festival naman ng Japan, ang Summer Sonic, na gaganapin sa darating na Agosto.

Ang “GOLDEN HOUR Part 1” ng ATEEZ ay mapapakinggan na sa lahat ng digital platforms worldwide via KQ Entertainment and Sony Music Entertainment.

Read more...