Nadia naging PH Navy reservist sa edad 52: ‘There are no limits!’

Nadia naging PH Navy reservist sa edad 52: ‘There are no limits!’

PHOTOS: Instagram/@officialnadiam

PROUD na proud ang aktres na si Nadia Montenegro sa kanyang latest milestone sa buhay.

Isa na kasi siyang Philippine Navy reservist matapos sumabak sa matinding training at grumaduate sa “Basic Citizen Military Course (BCMC) ng Class 10-2024.

“Balik sa Diyos. Balik loob sa sarili, sa pamilya at sa gobyerno!” sey niya sa recent Instagram Stories.

Dagdag pa niya, “Stop asking what they can do for you. Start asking what you can do for yourself, your country and your family’s future.”

Baka Bet Mo: Nadia Montenegro ikinumpara ang mga artista noon at ngayon: Kasi now… dami naki-create na mga monsters, spoiled brats

PHOTOS: Instagram Stories/@officialnadiam

Para sa kaalaman ng marami, ang celebrity mom ay kabilang sa 48 na nagtapos at opisyal na naging reservists sa naganap na seremonya noong Martes, June 4.

Present sa nasabing event si Senador Robin Padilla na isa ring reserve lieutenant colonel ng Philippine Army.

Hinimok ng dating aktor ang graduates na maging isang simbolo upang maimpluwensiyahan ang mga kabataan na maging bahagi ng reservist program.

Si Nadia ay nagtatrabaho rin sa opisina ni Sen. Robin bilang political affairs officer.

“I just learned that there are no limits when you want to serve [and] you have the heart to serve,” sey ng aktres sa isang interview with the press.

Aniya pa, “I encourage everyone to do their part kasi this is the moment where we need talaga each other’s strength, each other’s power together na magsama-sama para sa ating bayan.”

Matatandaang noong 1980s nang nakilala si Nadia sa publiko bilang isang Regal baby.

Ngunit pag-amin niya sa dating interview, hindi niya pinlano na maging artista.

Sa kasalukuyan, mayroon siyang walong anak mula sa yumaong dating pulitiko na si Macario “Boy” Asistio Jr.

Read more...