Sandy Andolong patuloy na bina-bash ng Noranians dahil kay Boyet

Sandy Andolong patuloy na bina-bash ng Noranians dahil kay Boyet

Sandy Andolong at Christopher de Leon

MATINDI rin ang naranasang pangnenega at pang-ookray noon sa veteran actress na si Sandy Andolong nang magpakasal sila ni Christopher de Leon ilang taon na ang nakararaan.

Rebelasyon ni Sandy, hindi rin siya nakaligtas sa galit ng mga fans at supporters ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor noong ikasal sila ni Boyet.

Pero ayon sa premyadong aktres, hindi niya hinayaang makaapekto sa pagsasama nila ni Boyet bilang married couple ang mga masasakit na salitang ibinato sa kanya ng mga Noranians.

Baka Bet Mo: Gretchen Ho may pa-tribute sa nagbabalik na driver: Dami naming pinagsamahan nito…bawat heartbreak, tagumpay at big break!

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, natanong si Sandy kung nakatanggap din ba siya ng pambabatikos mula sa fans ni Ate Guy matapos silang ikasal ni Christopher.


“Oh they did. At that time wala pang social media, eh,” sagot ni Sandy.

Naisip ba niya na posibleng mas grabe pa ang matatanggap niyang pamba-bash kung may social media na noong panahong yun?

“Actually now I do. But I find that out from other people, from fans. Kasi hindi naman ako talaga nagbabasa.

“But sometimes, like in my account, Instagram, may papasok. And it has come to a point, noong araw pa man, hindi ko na pinapansin talaga.

Baka Bet Mo: Herlene Budol ibinuking ng 2 veteran stars, palaging umiiyak kapag sumasablay sa eksena pero marespeto sa mga katrabaho

“It doesn’t really affect me because they don’t really know the true story behind sa buhay namin, how everything started,” esplika ng beteranang aktres.

Dagdag pa niya, “And then now, ngayong uso na ang social media, wala naman. In a way natatawa lang ako.”


Naikuwento rin ni Sandy ang naging chikahan nila ng kanyang mga kaibigan tungkol sa mga natatangap niyang bashing ngayon.

“Like, ‘O, nasulat ka!’ ‘Ano na naman?’ ‘Maski raw sa FAMAS, bakit ikaw pa, ang dami mong sinasabi. Ikaw ang naging presenter.’ So much of everything,” saad ng aktres.

“And then I said, ‘Hindi ko na mabasa, and I don’t really care.’ I don’t care, because it will not make my life better.

“But if they are happy doing that, ‘yung saying cruel things about myself, that’s okay, ako lang ‘yan eh, huwag lang ang mga anak ko,” sey pa ng asawa ni Boyet.

Nagpakasal sina Christopher at Ate Guy noong 1975 pero naghiway din sila at na-annul ang kanilang wedding noong 1996.

Ikinasal naman noong 2001 sina Sandy at Christopher at nagkaroon ng limang anak, sina Rafael, Miguel, Gabriel, Mariel, at Mica.

Read more...