Axel Cruz hugot na hugot sa isyu ng ‘EXpecially For You’: Tatagan mo pa!

Axel Cruz hugot na hugot sa isyu ng 'EXpecially For You': Tatagan mo pa!

Christine, Vice Ganda at Axel Cruz

SUNUD-SUNOD ang naging post sa social media ng kontrobersyal na male searchee na sumalang sa “EXpecially For You” ng “It’s Showtime”.

Ito’y matapos ngang magsalita ang isa sa mga host ng programa na si Vice Ganda tungkol sa umano’y tangkang pagnanakaw ng halik ng contestant na si Axel Cruz sa searchee na si Christine.

Sinabi kasi ni Axel na hindi niya ninakawan ng halik si Christine o tinangkang halikan. Nakipag-high five lang daw siya rito at nakipag-“bro code” o ang pagdidikit-balikat.

Baka Bet Mo: Vice sa mga lalaking irereto kay Kim: Hindi pwedeng basta-basta lang!

“Gusto ko lang malaman nyo side ko hindi yung kung ano yung nakita at napanood nyo ang pinaniniwalaan nyo and please stop sending me and posting threat and badwords, stop posting uncut version of video para lang mag viral, thankyou sa mga nag susupport saakin at pinaniniwalaan ako.


“Im sorry if may mali man ako nagawa or mali sa paningin nyo pero para saakin its just like a brocode, and kay ate girl sorry kung nagulat ka or na feel mo na kikiss kita hindi ko intensyon yun.

“And to the whole cast of showtime super grateful to be part of this segment thankful padin ako lalo na kay meme vice please stop bashing her nagulat lang din siguro sya,” sabi ni Axel sa ipinost niyang video sa Facebook.

Sa reaction video naman ni Christine, sinabi nitong hindi niya naramdaman na hahalikan siya ng binata at walang dahilan para magalit sa kanya ang madlang pipol.

Baka Bet Mo: Kim pak na pak ang hugutan ng feelings: Sorry, may mahal na akong iba!

Dahil dito, sinabi ni Vice na handa siyang mag-sorry kay Axel dahil mali ang naging reaksyon niya sa insidente. Marami kasi ang nam-bash sa komedyante dahil sa ginawa umano niyang pamamahiya kay Axel on national TV matapos ang
pag-callout niya rito.

At last Tuesday nga, June 4, nabanggit ni Vice na kinausap ng production ng “It’s Showtime” sina Axel at Christine at dito nga inamin ng huli na hindi siya naging komportable sa ginawa ni Axel.

Kasunod nga nito ang pagbawi ni Vice sa sinabi niyang magso-sorry siya kay Axel dahil naniniwala siya na tama lang ang paninita niya kay Axel matapos ang ginawa niya kay Christine.


“Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did.

“Ito ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi kinakailangang mag-apologize because what we did was right,” ang pahayag ni Vice sa live episode ng “It’s Showtime” last Monday, June 4.

Sa Facebook account naman ni Axel, mababasa ang makahulugang quotes na pinaniniwalaang may konek sa kanyang mga pinagdaraanan.

Unang mensahe ni Axel, “Accepting the situation is the best way to move on.”

Sinundan ito ng, “Tatagan mo pa. Dahil ikaw lang din ang nakaaalam kung paano mo kinaya.

“Lord, I’m still waiting for your beautiful plan for me,” aniya pa.

At kahapon nga, may makahulugan uli siyang post sa FB, “Even at my hardest time, I was alone, so I don’t care who stays or leaves.”

In fairness, marami pa rin ang nakisimpatya kay Axel at naniniwalang wala siyang kasalanan para ipahiya ni Vice on national TV.

Samantala, naglabas din ng statement si Axel hinggil sa pamba-bash ng netizens sa searcher na si Christine, “Please stop bashing christine pinagtatangol nya lang po ako at sinasabe nya yung totoong nangyare, yung reaction nya po kasi nayon sa cam is awkward, kasi nakaupo po sya non at nakatayo ako. Mejo nahila ko sya kaya ganun naging reaction nya.”

Sa gitna ng isyung ito, siniguro ni Vice na tinutulungan nila sina Axel at Christine sa kanilang pinagdaraanan. Nanawagan din ang TV host na siya na lang ang i-bash at huwag na ang dalawa.

Read more...