Meryll, Joem gusto pang magkaanak uli pero hindi na aprub sa mga doktor

Meryll, Joem gusto pang magkaanak uli pero hindi na aprub sa mga doktor

Meryll Soriano at Joem Bascon

GUSTO pa sanang sundan nina Meryll Soriano at Joem Bascon ang kanilang anak na si Gido pero parang imposible na raw itong mangyari.

Nabanggit ng celebrity couple na totoong napag-uusapan na nila ang pagpapakasal kaya naman ang sunod na tanong ay kung handa na silang magkaroon ng baby number 2.

Sa guesting nina Joem at Meryll sa “Fast Talk with Boy Abunda” napag-usapan nga ang tungkol sa ilang kaganapan sa pagsasama nila bilang live-in partners, kabilang na ang pagpapakasal.

Baka Bet Mo: Meryll super pa-girl nang tanungin si Joem kung kailan magpo-propose: Ayokong marinig! Gusto ko surprise!

Ayon kay Joem, bago siya mag-propose kay Meryll kailangan muna niyang magpaalam sa ilang tao na may konek sa kanyang partner.


“Medyo old school pa rin ako, hindi naman pupuwedeng diretsahan sa kaniya.

“Kailangan kong tanungin din sa parents niya, ‘yung parents ko sasabihan ko. Kailangan kong magbigay-pugay with everyone to get her beautiful hand,” sey ni Joem.

Inamin naman ni Meryll na dumaraan din sila sa maraming challenges ni Joem pagdating sa pagiging parents sa anak nilang si Gido.

“The difference lang for me is that I have a partner. Kasi it’s so different from being a single parent that you get to decide everything on your own all by yourself. Now it’s a 50-50 thing,” paliwanag ni Meryll.

Ang sabi naman ni Joem, “Kasi ako first time ko talaga lahat, so I’m just observing everything.”

Samantala, natanong din ni Tito Boy sina Meryll at Joem kung may plano na silang gumawa ng baby number 2.

Baka Bet Mo: Bwelta ni Meryll sa bashers nila ni Joem: Wala akong time, nag-aalaga ako ng baby!

“We want to, pero not advised na by the doctor. I’m 41, ang sabi ng OB namin, if we wanted, magkasunod.


“As in the year after, parang hindi pa nagwa-one year old si Gido dapat masundan na,” ani Meryll.

Sey pa ng aktres, mas pagtutuunan muna nila ni Joem kung ano ang meron sila ngayon at ang pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang anak.

“We want to really savor it and enjoy it. It’s so hard to prioritize getting pregnant again when we’re just enjoying a blessing,” sey ni Meryll.

Naghiwalay sina Joem at Meryll noong 2009 at nabigyan nga ng second chance ang kanilang love story noong 2020. Taong 2021 nang mag-announce sina Meryll at Joem may anak na sila.

Read more...