Miel Pangilinan nakaranas ng matinding panghaharas, panlalait: Dinamay kami!

Miel Pangilinan nakaranas ng matinding panghaharas, panlalait: Dinamay kami!

Miel Pangilinan, Frankie Pangilinan, at Sharon Cuneta

GAGAWIN ni Megastar Sharon Cuneta ang lahat para protektahan at ipagtanggol ang kanyang pamilya, lalo na kapag mga anak na niya ang involved.

Yan ang ipinagdiinan ng anak ni Shawie at dating senador na si Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan nang tanungin tungkol sa cyber libel complaint nko isinampa ng kanyang mga magulang laban sa online host na si Cristy Fermin.

Sa official statement ni Mega, nagdesisyon siyang magdemanda dahil nadadamay na raw ang kanyang mga anak sa inilalabas na content ng premyadong veteran columnist sa kanyang online show.

Baka Bet Mo: Miel Pangilinan tinawag ang sarili bilang ‘pansexual’, ano ba yun?

“A lot of these things that are being spread around by this person that my mom filed a case against, it leads to pretty much a lot of negative comments me and my siblings,” ang pahayag ni Miel sa panayam ng ABS-CBN tungkol sa pagsasampa ng kaso ng kanyang parents.

Dagdag pa niyang paliwanag, “They rarely show us in a good light. So it kind of, it boils over, and the audience that watches this person ended up coming to me or my sister and blaming us, or just sending hate or harrassing us.

“It affects us also. Parang dinamay pa kami,” sabi pa niya.

Dagdag pang sey ni Miel, “Obivously, my mom she’s gonna do everything to defend her kids. It was kind of her, that was her tipping point.”

Isa si Miel sa mga anak ng celebrities na nagiging biktima ng online harrassment at matinding pamba-bash sa social media na nagsimula pa noong 2022 elections.

Aniya, sanay na sanay na raw siya sa panlalait at pang-ookray ng mga bashers pero kung may isang hate comment na talagang nakaapekto sa kanya, yan ay ang pagkuwestiyon sa kanyang pagkatao.

“I’ve been told a lot that I was a waste of genes, di ba? That’s a lot for people to, I get those comments a lot.

“It’s weird that I get those comments. And a lot of those came from people who don’t even know me,” ani Miel.

Nauna rito, sinabi ni Sharon na dalawang beses pa lang siyang nagsasampa ng demanda sa 40 years niya sa showbiz.

“Hindi ako mahilig sa ganito. It gets to a point kasi na it affects your children, your family. I lost sleep over it. Kasi kahit hindi totoo, parang siyempre kahit paano may limang maniniwala.

“Even my children have suffered, ang sama ng loob nila. We’ve been off social media partly because of this.

“Ayoko ‘to, eh. Oo, artista kami, pero nasasaktan din kami. ‘Pag pinipintasan ako okay lang, pero sumobra na eh,” dagdag pa niya.

Read more...