RAYVER wala nang paki sa relasyong SARAH-MATTEO | Bandera

RAYVER wala nang paki sa relasyong SARAH-MATTEO

Ambet Nabus - November 07, 2013 - 03:00 AM


Sa sandaling tsikahan namin ni Rayver Cruz sa nasabing presscon ay marespeto nitong ipinahayag na mas importante ang “friendship” nila ni Matteo kesa sa anumang sasabihin niyang opinyon sa napapabalitang romantic involvement nito kay Sarah Geronimo.

“Dati ko pang tropa si Mat. May mga times na nagkakayayaan kaming mga taga-South para gumimik. Bakit pa ako magko-comment sa isyu nila ni Sarah?

Hindi rin po namin pinag-uusapan kapag magkasama kami, bakit pa?” paliwanag ng aktor na sinasabing unang showbiz boyfriend ni Sarah na sinundan naman ng best friend niyang si Gerard Anderson at ngayon nga ay ang kaibigan din niyang si Matteo.

“Sabi nga sa movie namin, ‘chill’ lang kapag magkakasama. May mga bagay na mas magandang hindi na pinag-uusapan gaano man yun kahalaga sa mga magkakaibigan dahil baka sumablay pa,” natawang sey ni Rayver.

So sa tingin ba niya ay totoong may relasyon sina Sarah at Matteo,  pangungulit ng isang kasamahan natin sa trabaho, “Wala po ako sa posisyon para magsalita for them or for Mat, pero kung yung happiness ang itatanong ninyo, sobrang nakikita kong masayang-masaya si Matt ngayon, kaya happy din ako for him,” simpleng tugon ni Rayver.

Yun na nga kapatid na Ervin. Ha-hahaha!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending